Team Payaman’s Yow Andrada Shares How Cong TV Helped Build His Career

Hindi lingid sa kaalaman ng Team Payaman fans na isa si Cong TV sa taus-pusong sumusuporta sa kanyang kapwa Team Payaman members pagdating sa kanilang karera sa vlogging.

Pero alam niyo ba na bukod sa content creation, nagsilbi ring instrumento si Cong sa pagtupad ng mga pangarap na negosyo ng kanyang mga kasamahan, gaya na lang ni Yow Andrada.

Heart-to-Heart Talk

Sa pinakabagong vlog ng Ninong ng bayan na si Ninong Ry, kasama nito sa kulitan at kwentuhan ang Team Payaman vlogger at YNO band lead vocalist na si Yow Andrada.

Bukod sa pagluluto ng masasarap na pagkain, isa sa mga inaabangan ng mga manonood ay ang kwentuhang hatid ng tambalan nina Ninong Ry at Yow sa segment nitong BOH o Back of House.

P15K from Cong TV

Nang matapos kumain, una nang inusisa ni Ninong Ry kung paano nga ba nagsimula si Yow sa kanyang karera kasama ang Team Payaman.

“Kasi ano, nagkataon kasi na napasama ako sa kanya [Cong TV] noong 2019. Siguro naaawa s’ya sa akin kasi bumabyahe ako from Montalban to Makati,” bungad nito.

Aniya, nang makita ni Cong TV ang hirap nito sa pagbyahe, pinatuloy siya nito sa “Congdo” sa Quezon City na s’yang naging dahilan upang mapadali ang pagpasok niya araw-araw sa trabaho.

Ibinahagi rin ni Yow na ang Team Payaman head din ang nag-udyok sa kanya na simulan ang karera sa vlogging na ani Yow ay kanyang sinugalan matapos magbitiw sa kanyang trabaho.

“Sumugal ako kasi ito ‘yung mga bagay na [may] rare opportunity.”

Dagdag pa ni Yow na bukod kay Cong TV, nagsilbing inspirasyon din para sa kanya ang mga kapwa vloggers gaya nina RogerRaker at Emman Nimedez.

Isa pa sa mga hindi malilimutang tagpo ni Yow ay nang bigyan siya ng P15,000 ni Cong TV bilang puhunan sa pagbuo ng kanyang pagkakakilanlan sa mundo ng content creation.

“Parang ang sarap nitong sugal na ‘to ah? Kasi nanalo ako eh!” biro ni Yow.

Inspiring Messages

Inulan naman ng mga nakakatuwang komento ang kwentuhan nina Ninong Ry at Yow Andrada dala ng inspirasyon sa pagpupursigi ni Yow sa kanyang sining.

@yakitatejapan: “Sa tagal kong hindi nagparamdam sa mundo (tulad ni Yow), na-inspire ako uli magsimula at magpatuloy sa mga plano ko na gusto kong gawin sa buhay. Lumihis man ako sa dapat kong puntahan pero natutunan ko na kaya nandito pa rin ako dahil gusto kong ipakita kung sino ako sa pamamagitan ng sining.”

@adrianamurao5725: “The way na pag iinterview ni ninong ry kay yow. mas marami ka pa nalalaman kay yow. na d mo pa alam. salamat Ninong Ry at Yow for sharing.”

@JryukiEstareja: “Isa sa mga idolo ko sa Team Payaman!! Lalo na yung nameet ko sya in person. Super bait niya [Yow] as in..”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

21 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.