Sinong mag-aakala na ang pagsasalita sa harap ng kamera ay s’ya ring magiging puhunan upang kumita?
Kung hanap mo’y mga payo sa pagsisimula ng iyong karera sa vlogging, sagot na ‘yan ng Team Payaman power couple na sina Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada!
Kita is Real sa Vlogging
Kamakailan lang ay bumida ang Team Payaman couple na sina Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada sa programa ng GMA Network na Pera Paraan.
Bukod kasi sa kanilang pagpupursigi sa kanilang home-grown business na Ti Babi’s Kitchen ay hindi mapapantayan ang sipag ng mag-asawa pagdating sa vlogging.
Tinatayang 1M na ang YouTube subscribers ni Kevin habang higit 200,000 naman ang sa misis nitong si Abby.
Matatandaang umusbong ang karera ni Kevin Hermosada sa vlogging noong una itong mapasama sa Team Payaman bilang video editor ni Yow Andrada.
Bagamat mahiyain, hindi ito naging hadlang upang masubukan ang pagiging kwela sa harap ng kamera, dahilan upang lalo ito magustuhan ng kanyang mga tagapanood.
Nang makita ang hilig ng kanyang mister sa pagva-vlog at pag-eedit ng mga videos ay nahikayat na din si Abbi na simulan ang kanyang karera.
“Na-inspire rin kasi ako kay Kevin noon eh! Nakikita ko s’yang nag-eedit,” kwento ni Abbi.
Naibahagi rin ng dalawa na dahil sa pagva-vlog ay nagkaroon sila ng pagkakataong makabili ng sariling sasakyan at makapunta sa iba’t-ibang lugar sa loob at labas ng bansa.
Para sa mga nais simulan ang kanilang karera sa vlogging, may ilang payo ang TP couple para sa kanilang mga manonood.
“Ako ang payo ko sa kanila, dapat maging natural lang sa pag gawa ng vlog. Kailangan aralin kung paano i-edit,” ani Kevin.
Fan Appreciation
Hindi naman pinalampas ng kanilang mga solid supporters na ipahatid ang kanilang paghanga sa mag-asawa.
@edkennethferrer5450: “Team Payaman fan here. Isa si Kevin Hermosada sa masasabi mong TP vlogger na binigay ni Cong TV dahil sobrang sipag n’yan mag-upload ng vlog at talagang may quality at quantity”
@ambhenify: “Hindi rin madali gumawa ng content lalo na kung nag-uumpisa ka palang. Dapat gusto mo rin ginagawa mo buti sila ay may Team Payaman”
Watch the full vlog below: