Meet Genggeng: How Kevin Cancamo Become a Part of Team Payaman?

Sa nakalipas na dalawang taon nakilala na ng masusugid na tagasubaybay ng Team Payaman ang isa sa mga bagong mukha sa grupo na si Kevin Cancamo, o mas kilala bilang Genggeng

Pero sino nga ba si Genggeng at paano ito naging parte ng pinakasikat na grupo ng content creators sa bansa?

From fanboy to homeboy

Sa pinakabagong segment na “Kwentuhan sa Veranda” ni Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang YouTube channel, nakapanayam nito si Genggeng na kilalang sidekick ni Cong TV. 

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, nagsimula si Genggeng bilang ultimate fanboy ng Team Payaman na madalas abangan ang grupo sa kanilang dating tahanan na tinawag na Payamansion 2 para magpa-selfie. 

“Araw-araw walang mintis na wala ako doon,” kwento ni Geng. 

Dahil napapadalas ang pagtambay sa Payamansion 2, halos naging kaibigan na ni Geng ang mga tao dito at naging oncall helper ito sa nasabing bahay ng Team Payaman. 

Ani Pat Gaspar, sobrang sipag ni Genggeng sa pagtatrabaho para sa Team Payaman kaya naman nakuha niya ang tiwala ni Cong TV at ng buong grupo. 

Noong unang buwan nito sa Payamansion ay umabot sa P48,000 ang kanyang unang sahod mula kina Cong TV, Junnie Boy, Boss Keng, at Viy Cortez.

“Pero lahat yon hindi ko kinuha, binigay ko sa nanay ko,” dagdag pa nito.

@definitelynotgeng

Mabilis lang linis kasi wala naman dumi

♬ original sound – genggeng – genggeng

Grateful Scholar 

Hindi nagtagal ay naging opisyal na parte na ng Team Payaman si Genggeng. Pero bukod sa madalas na paglabas sa vlogs ni Cong TV ay minabuti rin ng 31-anyos na vlogger na pag-aralin ito. 

“Tinanong ni Kuya Con kung nag-aaral pa ba ko… [sabi ko] ‘opo, nag-aaral pa ko.’ Tapos sabi niya sa’kin ‘sige ako na bahala sa pag-aaral mo, ako na bahala sa college mo basta galingan mo lang.’”

Sa ngayon ay nag-aaral ng kursong Communication Art si Genggeng sa San Beda College Alabang, kung saan kaklase niya ang iba pang Team Payaman member na sina Kevin Hufana at Mau Anlacan. 

“Until now isang beses ko palang kinuha yung sahod ko. Isang tao na ko rito pero isang beses palang ako sumweldo, which is yung P48,000.”

“Bakit ‘di ko kinukuha? Kasi sobrang masaya na ko na nandito ako… Parang ang hirap kunin ng pera pag galing sa kanya [Cong TV]. Kasi siya nagpapakain sa’yo, doon ka nakatira sa kanya, siya nagpapa-aral sa’yo.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1282
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *