Bilang pagdiriwang ng Chinese New Year, isinama ni Clouie Dims ang ilang Team Payaman members para sa isang masayang Binondo food trip.
Alamin kung ano nga ba ang mga dapat na matikman at mga ipinagmamalaking putahe mula sa pinakamatandang Chinatown sa mundo.
Sa bagong vlog ni Clouie Dims, isinama nito ang mga manonood sa kanyang Binondo food trip kasama ang nobyong si Dudut Lang, at kapwa Team Payaman member na sina Chino Liu at Yow Andrada.
Bilang isang ganap na Chinoy (Chinese-Pinoy), pinamunuan ni Chino, a.k.a Tita Krissy Achino ang kanilang Binondo food trip.
Una nilang sinubukan ang kakaibang Shanghai Fried Siopao na nagkakahalaga ng P35, na talaga namang pinipilahan sa Binondo.
Susunod na pinuntahan ng grupo ang Tasty Dumplings kung saan kilala ang pagkalaki-laking porkchop at iba pang rice meals.
“Good for two na s’ya!” laking gulat ni Clouie.
Matapos ang nakakabusog na rice meal, hindi nila pinalampas na masubukan ang ilang egg tarts sa Binondo.
Ani Clouie, mas gusto nito ang mainit-init o bagong lutong egg tarts dahil aniya ay nag-iiba ang lasa nito kapag lumalamig na.
At syempre, hindi rin nila pinalampas na masubukan ang pinipilahang Wai Ying Fastfood na kilala sa kanilang mga dumplings.
“Kasama kasi ito sa mga top 10 [na pinupuntahan]. Pinush talaga namin kahit mahaba ‘yung pila,” kwento ni Clouie.
Pagtapos ng kanilang Binondo food trip, rekta Congpound sina Clouie upang muling magdiwang ng Chinese New Year.
Kasama nito ang magkapatid na Pat Velasquez-Gaspar at Venice Velasquez sa pagluluto ng tikoy na galing pa sa Binondo.
Pandan, Muscovado, at Dulce de Leche ang mga flavors na napili ng Team Payaman Girls para sa kanilang tikoy party.
Sama-samang nagsalo ang tatlo sa kanilang inihandang Tikoy bilang pagsalubong sa Chinese New Year.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.