Isang face makeover ang hatid ni Viy Cortez sa tagapag-alaga ng kanyang panganay na si Kidlat. Pinagbigyan ni Viviys ang hiling ni Carmina Marasigan, a.k.a Ate Acar, upang mas lalong maging confident sa kanyang sarili.
Sa bagong YouTube vlog ni Viy Cortez, ibinahagi nito ang munting reward na ibinigay kay Ate Acar na aminadong mahilig gumamit ng mga “change face filters” sa TikTok.
“Humingi ako ng isang request kay Viy Cortez para hindi na ako gumamit ng mga change face filter, at naibigay naman niya ito,” kwento ni Ate Acar.
Isinama ng 27-anyos na vlogger at entrepreneur ang mabait na tagapag-alaga at ninang ni Kidlat na si Ate Acar sa Prettylooks Aesthetic Center.
Dito isinagawa ang mga non-surgical procedure upang mas mapaganda ang ilong at kilay ni Ate Acar. Bukod sa butuhing baby sitter ay nakasama rin sa makeover ang isa pang staff ni Viy Cortez na si Gabby Santos.
Labis namang ikinatuwa ni Viy ang naging resulta ng nose sculpture ni Gabby na aniya ay lalong nag mukhang Koreana.
Samantala, natupad na ang pangarap na makeover ni Ate Acar na labis ring ikinatuwa ng mga miyembro ng Team Payaman.
“Ang ganda mo!” walang halong birong reaksyon ni Cong TV.
“Hayup sa ganda!” biro ng Team Payaman girls.
Samantala, ikinatuwa naman ng netizens ang nasabing makeover ni Ate Acar.
@charliejoson9145: “Dasurb ni Ate Acar!! Grabe si Viviys napakagenerous at mabait na employer”
@aprilformaranperlas9625 “Sana all ate viyy!! Pero super supportive talaga ng team payaman huhuhu nakakatuwa ung pag uplift nila kay ate acar!”
@alyssaorongan2167: “I love how you treat ate Acar as really part of your family. God bless you more ate Viy and the whole gang of Team Payaman.”
Watch the full vlog below:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.