Vien Velasquez Narrates Scary ‘Scam-Like’ Thailand Experience

Isang panibagong travel vlog ang hatid ng Team Payaman content creator na si Vien Iligan-Velasquez, kung saan ibinahagi niya ang ilang kaganapan sa unang araw ng kanyang 4-day Thailand trip. 

Ito ang unang beses na nag-bakasyon si Vien sa ibang bansa na hindi kasama ang kanyang mag-amang Junnie Boy, Mavi, at Viela. Pero ayon sa 26-anyos na vlogger at entrepreneur, ang nasabing Thailand trip ay bahagi ng pagtupad niya sa isa sa kanyang teenage-bucketlist.

“Mabilis ako nagkaroon ng pamilya. Hindi ko talaga nagawa sa sarili kong magtravel, gastusan sarili ko. So bale ngayon lang ako bumabawi sa sarili ko, nung nagkaroon ako ng pera,” ani Vien. 

Mommy instincts

Habang nasa airport ay ikinuwento ni Vien ang pagnanais niyang tumulong sa ibang magulang na nakikita n’yang may bitbit na anak. 

“Parang gusto mong tumulong pero bawal,” ani Vien.

Bilang magulang, pamilyar na si Vien sa pakiramdam na magdala ng samu’t-saring dokumento at mga gamit na kailangan ng kanyang sariling pamilya.

Kwento pa ni Mommy Vien, muntik na siyang maluha paghatid sa kanya ng kanyang mag-ama sa airport. 

Laking swerte na lang daw ni Vien na wala pang kamuwang-muwang si Viela, at tila hindi pa naiintindihan ni Mavi na aalis ang kanyang ina ng apat araw habang may sariling lakad naman pa-Baler ang kanyang Daddy Junnie. 

Sketchy condo

Samantala, inilahad din ni Vien ang nakakakilabot na karanasan sa nakuha nilang Airbnb, kung saan tila pakiramdam niya ay na-scam siya. 

Unang ibinahagi ni Vien ang takot nang matuklasang muntikan nang maipit ang isang babae sa elevator ng nasabing building, bagamat wala namang senyales na nasira ang elevator. 

“Tsaka kung bumagsak ‘yon [elevator], pilay kami lahat dun,” kwento ni Vien kay Junnie sa video call. 

Ayon pa kay Vien, nakamura at sulit naman ang nasabing lugar dahil bukod sa maganda ang kwarto ay maganda ang lokasyon dahil maraming kalapit na makakainan. Pero sa huli ay binigyan niya lang ito ng 1 out of 10 na rating dahil sa issue ng safety sa lugar.

“Hindi pa kami nakakababa ng sasakyan, sketchy na talaga,” dagdag pa nito.

Kwento pa ni Vien, ibang address din ang nakalagay sa na-book nilang condo, ngunit pagdating doon ay bigla silang pinapunta sa iba pang lokasyon. Kaya naman, minubuti ni Vien na lumipat ang kanilang team sa ibang mas malapit at mas maayos na hotel.

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

VIYmonte Kitchenomics Is Back: Mommy Viy Faces Daddy Cong in Cook-off Vlog

Isang panibagong edisyon ng VIYmonte Kitchenomics ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy…

1 day ago

Is Team Payaman Launching a New Podcast? Meet the Newest TP Trio!

Isang bagong samahan na naman ang sumibol sa lumalaking pamilya ng Team Payaman!  Humanda na…

1 day ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Heats Up Summer at SM City Dasmariñas

Summer just got even hotter as the  Viyline MSME Caravan opens its doors to the…

2 days ago

Viyline Print Brings TP Fan Must-Haves to the Viyline MSME Caravan

Solid Team Payaman fans, raise your hands! If finding official TP merchandise is one of…

2 days ago

Little Pat or Little Keng: Tracing Baby Ulap’s Adorable Features

Matapos matunghayan ang hindi matatawarang karanasan ng pamilya Velasquez-Gaspar sa pagdating ni Baby Ulap, usap-usapan…

3 days ago

Here Are the Best Ways to Use Viyline’s Perfect Scent Spray N’ Wipe for Quick Clean-Ups

Looking for a cleaner that smells amazing and gets the job done fast? Viyline’s Perfect…

3 days ago

This website uses cookies.