Matapos ang kaliwa’t-kanan na endorsements, isa sa mga pinagkaka-abalahan ngayon ng Team Payaman member na si Junnie Boy ay ang kanyang pagkanta.
Bukod sa vlogging, ito na nga ba ang simula ng singing career ng nakababatang kapatid ni Cong TV?
The Singing Journey
Sa kanyang bagong vlog, ginulat ni Junnie Boy ang kanyang mga manonood nang ibida nito ang ginagawang bagong kanta para sa nilulutong proyekto.
Aprubado ng kanyang mga kasamahan ang inihandang tono, na unang n’yang ipinarinig sa mga ito.
“Maganda, maganda, maganda! Ang kagandahan non, hindi ko pa s’ya [‘yung tono] sa iba” komento ni Bods.
Ayon kay Junnie Boy, pinaghalong rap, urban pop, at RNB ang genre ng kanyang nilulutong kanta.
Isa rin aniya sa inspirasyon ng nasabing kanta ay ang kwento ng isang lalaking may malalim na pagtingin sa isang babae.
“Para s’yang ligaw tingin!” biro nito.
Bagamat wala pang nakalapat na liriko para sa kanta ni Junnie Boy, kampante ito sa ganda at pagiging kakaiba ng kanyang binuong tono.
Hindi naman pinalampas ni Junnie Boy na hingin ang komento ng ilan sa mga kasamahan sa Congpound na may hilig din sa musika.
“Par! Pasok sa WISH! Wish ko ‘lang!” biro ng musikerong si Yoh Andrada.
Nang matapos pakinggan, walang pagdadalawang isip na pinuri ng kanyang mga kasamahan ang melodiyang ibinida ni Junnie.
Ani Dudut Lang, “‘Pag ‘yan na-release pards, araw-araw kong patutugtugin ‘yan!”
Looking for Vocal Coach
Bukod sa melody mix ay naghahanap na rin ng personal vocal coach si Junnie para sa kanyang inihahandang pasabog.
Sa kanyang Instagram story, nagpapatulong ito sa kanyang mga followers na makahanap ng vocal coach.
Para sa mga interesadong maka-trabaho ang rising singer ng Team Payaman, maaaring magpadala ng email sa: evemariecastro91@gmail.com
Watch the full vlog below: