LOOK: Fan Inks Cong TV’s Signature He Signed During Team Payaman Fair

Isang fan ang sinigurong mananatili sa kanyang alaala ang pagkakataong makita si Cong TV sa pagdalo nito sa Team Payaman Fair. 

Imbes kasi na selfie, shoutout, at fan sign ay pina-tattoo lang naman nito ang pirma ni Cong sa kanyang braso. 

Signed Forever

Noong Disyembre ay isa si Emmanuel Gacias sa libo-libong fan na nakisaya sa Team Payaman Fair Paawer Up na ginanap sa SMX Convention Center Manila. 

Bukod sa pagbili ng merch at pagkakataong makita ang mga paborito niyang vlogger, numero unong pakay ni Emmanuel ang makahingi ng autograph sa nag-iisang legendary YouTube vlogger na si Cong TV

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Emmanuel ang naging karanasan nito para makuha ang inaasam na autograph mula kay Cong. 

“Bossing, pa-pirma akong tatoo!” sambit nito habang nakapila sa Cong Clothing booth, kung saan walang sawang pinagbibigyan ni Cong ang lahat nang mag request ng selfie at autograph noong TP Fair. 

Matapos makamit ang pangarap na pirma ni Cong ay dumiretso si Emman sa isang tattoo artist upang tuluyan na itong ipa-tattoo. 

Ang nasabing pirma ang kumumpleto sa tila koleksyon ng Team Payaman tattoo ni Emmanuel kung saan present din ang Team Payaman logo at mga simbolong itlog, kidlat, alon, at isla na nagre-representa sa Team Payaman babies na sina Mavi a.k.a Itlog, Kidlat, Alona Viela, at Baby Isla.

OG Team Payaman Fan

Kwento pa nito sa VIYLine Media Group (VMG), una siyang naging fan ni Cong TV nang mapanood ang “Law of Attraction” video nito sa Facebook. Simula noon ay nasubaybayan na niya ang mga pinagdaanan ni Cong at ng buong Team Payaman. 

Hindi ito ang unang beses na makadalo si Emmanuel sa TP Fair dahil present din siya sa unang TP na ginanap sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 2023. 

Aniya nagsilbi talagang inspirasyon sa kanya si Cong TV kaya naman ipinangako niya sa kanyang sarili na makikita niya ito balang araw. Ipinagawa rin daw niya ang kanyang TP tattoo collection bilang inspirasyon na balang araw ay mapapabilang ito sa nasabing grupo. 

“Bossing wait ka lang dyan, darating din ang panahon na makakasama at makakasali ako sa inyo na mag inspire at magpapasaya sa maraming tao,” mensahe ni Emmanuel kay Cong TV. 

“Thank you for giving me a chance to meet all of you and to feel a once-in-a-lifetime DREAM that came TRUE! More paawer sa inyo King Cong, Queen Viy, and the Team Payaman family!” dagdag pa nito.

Kath Regio

Recent Posts

The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…

30 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez’s Summer Essentials: Stay Cool with SNAKE Brand by Viyline

Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…

2 hours ago

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

5 days ago

Boss Keng’s Game Show Gets Real as Junnie Boy Fights for His Comeback

Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…

6 days ago

This website uses cookies.