Sa bilis ng panahon ay hindi na namalayan ng mag-nobyong Von Ordona at Carlyn Ocampo na dalawang buwan na lang ay madadagdagan na ang kanilang munting pamilya.
Bago pa man tuluyang manganak ay isang napakagandang regalo ang natanggap ng dalawa bilang pagdiriwang ng kanilang ikatlong anibersaryo.
Sa bagong vlog ni Carlyn Ocampo, ibinahagi nito ang ilan sa mga tagpo sa pinakahihintay na gender reveal party ng kanilang second baby. Ang mag nobyong Carlyn at Von Ordona ay miyembro ng isa sa mga sikat na vlogger group sa bansa na Billionaire Gang.
Gaya ng kanyang mga magulang, excited na rin ang panganay nilang si Lakeisha sa pagdating ng kanyang nakababatang kapatid.
Nang tanungin kung anong kasarian ang gusto nito para sa kanyang kapatid, walang pag-aatubili itong sumagot sa kanyang mommy.
“Baby boy!” ani Lakeisha.
Matatandaang “baby boy” din ang hiling ni Von Ordona noong nakaraang taon matapos itong regaluhan ng bagong motorsiklo ng kanyang nobya, na hanggang ngayo’y kanya pa ring inaasahan.
“Ayoko na mag gender reveal. Alam n’yo ‘yun? Ayoko nang masaktan [kung hindi baby boy]” biro ni Von.
Pagdating sa kanilang gender reveal venue ay handa na ang surpresang naghihintay para sa sa dalawa.
Lingid sa kaalaman ni Von na isang gender reveal event ang regalo sa kanya ng kanyang nobya ngayong taon.
“Baka naman Ninja CX10R na ‘to?!” biro nito.
“Para sa akin naman kasi , either baby girl or baby boy, I’m very happy” bungad ni Carlyn.
“Ano man ang lumabas, baby girl or baby boy, I’ll be super happy!” aniya.
Maya maya pa ay nagtipon-tipon na ang mga bisita kasama ang Billionaire Gang couple upang masaksihan ang pinakahihintay na anunsyo.
Laking tuwa ng buong pamilya nang masilayan ang asul na kulay na nagsasabing baby boy ang bunso ng Team Ordona.
Watch full vlog below:
Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…
Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…
The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…
Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…
A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…
Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…
This website uses cookies.