Boss Toyo Admits He Tried Taking His Life Due to Drug Addiction and Depression

Content warning: This article contains statements that may trigger some audiences. Reader discretion is advised.

Sa isang pambihirang pagkakataon, inamin ng vlogger/entrepreneur na si Boss Toyo na minsan na niyang sinubukang tapusin ang kanyang buhay dahil sa pagkalulong sa masamang bisyo at depresyon. 

Kamakailan lang ay binuksan ni Jayson Luzadas, a.k.a Boss Toyo, ang kwento ng kanyang buhay sa panayam sa Kapuso Mo, Jessica Sojo. Dito na inamin ng “Pinoy Pawnstars” founder ang mga dagok na pinagdaanan niya sa buhay at kung paano ito bumangon, na nagsilbing inspirasyon sa kanyang mga tagasuporta. 

Colorful Past

“Sobrang colorful.” Ganyan inilarawan ni Boss Toyo ang kanyang buhay nang makaharap nito ang batikang mamamahayag na si Jessica Sojo. 

Kwento nito, lumaki siyang ampon at naranasang ang iba’t ibang klase nang pagrerebelde.

“Nag turn out [ako] to be an addict at an early age. Benta lahat ng gamit, kupit dito, kuha ng gamit doon, nagnanakaw para may pangtustos sa bisyo,” ani Boss Toyo na inamin ding naranasan niyang maging snatcher noon. 

Hindi naman kinakahiya ni Boss Toyo na ilang beses din siyang naglabas-pasok sa drug rehabilitation at nag tangkang magpakamatay. 

“Nag commit din ako ng suicide dati noong teenager pa ko. Pinagtawanan lang ako ng mga barkada ko kasi napigtal yung tali,” dagdag pa nito sabay sangayon kay Jessica Sojo na tila senyales ito na hindi pa tapos ang kanyang misyon sa buhay. 

Naging turning point aniya ng kanyang buhay ay nang ilang beses ma-ospital dahil sa Dengue at naranasan na mag agaw-buhay dahil sa nasabing sakit. 

“After ko lumabas ng ospital, sabi ko, parang ayoko na mag shabu!”

Pinoy Pawnstars

Ibinida rin ni Boss Toyo ang mga rare collectibles na naipon nito sa kanyang negosyong Pinoy Pawnstars, kabilang na ang mga kopya ng lisensya ng baril ni Fernando Poe Jr., sumbrero ni Dolphy, jacket ni Daniel Padilla, at iba pa. 

Ayok kay Boss Toyo, sinimulan niya ang Pinoy Pawntars matapos makanood online ng ganitong istilo ng negosyo sa ibang bansa, at hinugot niya ang kapital mula sa kanilang gold business. 

Isa si Boss Toyo sa mga vloggers na nakisaya sa nagdaang Team Payaman Fair Paawer Up noong Disyembre sa SMX Convention Center Manila. Gusto niyo ba ulit makasama si Boss Toyo sa susunod na TP Fair, mga kapitbahay?

Watch the KMJS episode below:

Kath Regio

Recent Posts

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

2 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

3 days ago

Netizens Applaud Pat Velasquez-Gaspar After Sharing First Hosting Experience

Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…

3 days ago

Viyline Media Group Partners with Opulent Beauty for Team Payaman Fair 2025 in Cebu

Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Heartwarming Bonding Moment With Daughter Tokyo Athena

Naghatid ng ngiti sa mga tagapanood ang munting sandaling ibinahagi ng Team Payaman mom na…

4 days ago

Yow Andrada Reflects on Passion, Creativity, and Finding One’s Self

Sa pinakabagong vlog ni Yow Andrada, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at mga reyalisasyon…

4 days ago

This website uses cookies.