WOW! Talented Supporter Illustrates Cong TV and Viy Cortez in a 5K-Piece Dice Art

Isa sa mga hindi matatawarang talento ng ilang Team Payaman fans ay ang pagiging malikhain sa pagpapakita ng kanilang suporta. 

Isang taga-suporta ang hinahangaan ngayon sa social media matapos matagumpay na mabuo ang imahe ng YouTube power couple na Cong TV at Viy Cortez gamit ang limang libong dice!

CongTViy Dice Art

Umabot ng higit 70,000 Facebook reactions ang inani ng dice artist na si Junrey Carayo matapos ibida ang pagbuo ng imahe nina Cong TV at Viy Cortez gamit ang mga dice.

Una nang ipinasilip ni Carayo ang proseso ng kanyang pagbuo ng imahe ni Cong TV sa isang Facebook post na pumalo na ng dalawang milyong views. 

Umani rin ng libo-libong reaksyon ang Facebook post ni Carayo na ipinakita ang buong proseso sa pagbuo ng imahe ni Viy Cortez.

Bukod sa soon-to-be-wed couple ng Team Payaman, marami pang ibang kilalang personalidad ang nauna nang iginuhit ni Carayo gamit ang mga munting dice.

Angas! Paawer!

Syempre, hindi pwedeng hindi makarating sa Team Payaman founder na si Cong TV ang kakaibang obra ng kanyang taga-suporta.

Isang “WOW” react sa Facebook ang ipinahatid ni Cong TV kay Carayo, dahilan upang mas lalo pa itong ganahan sa pagpapatuloy ng kanyang talento.

Junrey Carayo: “Salamat Cong TV sa pag-react ng wow. More blessings po sa inyo at kay Ma’am Viy Cortez!” 

Ipinahatid din ng nakatatandang kapatid ni Viy Cortez na si Ivy Cortez-Ragos ang kanyang paghanga sa mga obra para sa kanyang kapatid.

Ivy Cortez-Ragos: “Wow! Ang galing”

Bumaha rin ng pagbati ang ilan kapwa Team Payaman fan kay Carayo sa taglay nitong talento.

John Weak: “Solid ng talent mo bro, keep it up! Yeah!”

Carlos Takiawan: “Sana ako rin lods. Salamat, ang galing mo talaga!”

Bernadette Flores: “Ang hirap n’yan, dice art. Ang liliit pa naman [ng dice]. Galing!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

6 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.