LOOK: Capinpin Family Surprises Ser Geybin With Brand New iPhone

Isang malupit na surpresa ang hinanda ng Capinpin Family para kay Ser Geybin bilang pasasalamat at pagbalik ng kanyang kabutihan sa buong pamilya. 

Sa kanilang bagong vlog, ibinahagi ng Capinpin fam ang pag surpresa nila ng brand new iPhone 15 Pro Max fully paid para sa leader ng kanilang grupo. 

Ambagan time

Ayon kay Allen Capinpin, halos lahat sila sa pamilya ay naregaluhan na ni Ser Geybin ng bagong iPhone bago pa matapos ang taong 2023. 

Kaya naman, naisipan nilang bumawi at regaluhan din ito ng bagong cellphone dahil wala aniyang balak ang kanilang kuya na mag upgrade ng kanyang ginagamit na telepono. 

“Sa mga hindi po nakakaalam, si kuya po kasi ay hindi mapagpalit ng gamit. Tulad ng mga pantalon niya, hindi niya agad pinapalitan as long as nagagamit nya po yon,” paliwanag ni Allen. 

Nag ambagan ang lahat para makabili ng bagong cellphone. Kanya-kanyang patak mga kapatid at pinsan ni Geybin, kasama na rin ang longtime girlfriend ni Geybin na si Elma. 

“Basta kung magkano yung kukulangin [d’yan sa ambagan], sagot ko,” ani Mommy Elizabeth Capinpin. 

Syempre pa, binili ang bagong iPhone sa LID Gadgets Shop na nagbigay din ng sandamakmak na freebies gaya ng phone case, powerbank, charger, AirPods, at iWatch. 

Challenge time

Para lagyan ng twist ang surpresa kay Ser Geybin, hinamon nila ito sa isang Billiard Challenge na hindi naman inatrasan ng kanilang kuya. 

Matapos manalo sa mga hamon ni Allen, inabot na nila ang regalong iPhone 15 Pro Max 1 TB.  Abot tenga naman ang ngiti ni Geybin sa natanggap na regalo.

“Kasi ayaw mong bumili, kaya kami na yung bumili para sayo!” ani Elma.

“Nakakaramdam din pala kayo?” pabirong sagot ni Geybin.

“Hinde, okay lang kahit wala ako. Ano ba kayo?” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

Ang Capinpin Family as isa sa mga vloggers na nakisaya sa nagdaang Team Payaman Fair na talaga namang inabangan ng libo-libong fans. Mga kapitbahay, gusto nyo ba sila ulit makita sa susunod na Team Payaman Fair?

Kath Regio

Recent Posts

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

16 hours ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

4 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

6 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

6 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

6 days ago

This website uses cookies.