Dahil panahon na naman ng bigayan, hindi nagpahuli ang mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar sa kanilang mga pamasko sa Team Boss Madam.
Ika nga nila, all good things come with a price, kaya naman dumaan muna sa butas ng karayom ang mga ito bago makamit ang kanilang well-deserved holiday treat mula sa mag-asawang Team Payaman vlogger.
Ibinahagi ni Boss Keng sa kanyang bagong vlog ang ilan sa mga tagpo sa naganap na Christmas Party ng Team Boss Madam, partikular na ang pamimigay ng kani-kanilang Christmas bonus.
“Tayo ay mamimigay ng bonus sa mga staff natin! Merry Christmas sa [lahat ng] Boss Madam staff. We love you!” bungad nina Boss Keng at Pat.
Pero syempre, hindi ito matatawag na pamasko mula kina Boss Keng kung hindi muna ito mabibiktima ng kanyang pangmalakasang prank.
Kasabwat sina Nelson, a.k.a Sonny J at Mentos, all-out aktingan ang hatid nina Boss Keng sa pagpapakaba ng kanyang mga staff bago ito handugan ng kanilang 13th month pay at Christmas bonus.
Isa-isang kinausap ng masinsinan ng tatlo ang Boss Madam staff mula sa kanilang driver na si Limuel, houseboy na si Nigel, executive assistant na si Rhea, babysitter na si Nanay Espi, tagaluto na si Nanay Merci, at editor na si Rhomil.
Walang pag-aalinlangang pinuna ni Mentos ang bawat miyembro ng Team Boss Madam upang mas maging makatotohanan ang kanilang aktingan.
Mariin namang itinanggi ng bawat isa ang ibang mga paratang ni Mentos patungkol sa kanilang mga trabaho.
Matapos ang tensyon, agad na inilabas ni Boss Keng ang kanilang handog na 13th month pay.
Mas lalong lumaki ang ngiti ng mga nito nang malamang may kalakip pang Christmas bonus mula sa mag-asawang Boss Keng at Pat.
“Thank you, Boss Keng!” anila.
Watch the full vlog below:
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
This website uses cookies.