Sa ikatlong episode ng Kaya Mo Ba Burs? series ni Aaron Macacua, a.k.a Burong ipinakita nito ang hirap ng pagiging isang construction worker.
Mapagtagumpayan kaya nito ang misyong pagsubok sa pagiging isang laborer kasama ang kaibigan at kapwa Team Payaman vlogger na si Bok?
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Burong at Bok ang kanilang mga manonood sa pagtuklas ng pang araw-araw na kaganapan sa buhay ng mga construction workers.
Ang nasabing vlog ay parte ng bagong YouTube challenge series ni Burong na Kaya Mo Ba Burs, kung saan taas noong kumakasa si Burong sa pagsubok ng iba’t-ibang klaseng trabaho.
Katuwang nito ang motorcycle riding group na YKulba sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makatulong sa pagbuo ng kanilang proyekto. Nakiisa sina Burong at Bok sa proyekto ng Rbalicanta Construction sa Parañaque.
Mabusising inalam ng dalawa ang bawat gawain hanggang sa aktwal na pagiging isang construction worker.
Walang anumang special treatment ang ibinigay sa dalawang Team Payaman members kung kaya’t mas lalo nitong naintindihan ang hirap ng pagiging isang manggagawa.
Bukod sa tirik na araw, isa rin sa ininda ng mga ito ang sakit ng katawan matapos ang walang tigil na pagta-trabaho.
“Ang hirap pala nito! Actually dito, full body [ang gumagalaw] dito!” ani Burong.
Dagdag pa nito: “Sobrang grabe ‘yung experience na ito, sobrang saya namin kasi nagawa namin ‘to.”
Inulan naman ng papuri ang bagong vlog ni Burong dahil naghatid ito ng aral para sa mga manonood.
@levkun: “Boss Burs more pa neto please. This would help us na ma-appreciate natin mga workers in any fields.”
@xBlank_: “Sobrang ganda ng series na ‘to Burs, napapakita dito ‘yung reyalidad ng buhay ng mga trabahador dito sa Pilipinas. Ituloy mo lang ‘to.”
@nixxlednts: “Solid ‘yung mga contents, nahanap na ni Speed Burs ‘yung forte niya. Knowing na sanay siya sa aircon na work dati tas biglang outdoor work. Soliiid!”
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.