Netizens Applaud Boss Toyo’s Latest ‘Masipag Van’ Episode Aiming to Solve Random People’s Problems

Ang Paskong Pinoy ay madalas ginugunita sa pamamagitan ng pagbibigayan o pagbabahagi ng mga natamasang biyaya sa taong nagdaan. 

Ramdam na rin ang simoy ng Pasko sa pinakabagong vlog ng YouTuber at negosyanteng si Jayson Luzadas, o mas kilala bilang Boss Toyo. 

Masipag Van

Sinimilan ni Boss Toyo ang “Masipag Van” segment sa kanyang YouTube channel nito lang Hunyo. Habang nakasakay sa kanyang puting van ay naghahanap ito ng mga taong matutulungan at mababahagian ng kaunting tulong. 

Para sa ika-23 episode ng Masipag Van, isang single-mom mula sa Quezon City at may apat na anak ang napasaya nito at natulungan sa kanyang suliranin. 

“Anong problema mo?” tanong ni Boss Toyo sa mga nakakasalubong sa kalsada. 

Isang kasambahay ang maswerteng natyempuhan ni Boss Toyo na patawid sa kalsada. Dali-dali itong lumapit sa kilalang vlogger at sinabi ang kanyang suliranin. 

Ayon dito, namomorblema siya sa pambayad para sa Christmas party ng kanyang mga anak. 

“Ibibigay na natin yung pang Christmas Partry niya at pang diaper ng anak mo para wala ng problema ha?” ani Boss Toyo sabay abot ng apat na libong piso. 

“Sana sa konting halaga napasaya ko kayo kahit konti,” dagdag pa nito. 

Labis labis naman ang pasasalamat ng maswerteng nabiyayaan ng kabutihang loob ni Boss Toyo. 

Netizens’ Reaction

Samantala, umani naman ng papuri ang nasabing vlog ni Boss Toyo na saktong sakto ang pagtulong ngayong Kapaskuhan. 

@dropdead2357: “I salute you, boss, for your kindness in helping a person who has nothing in life. I hope there are many people who can help.”

@kokokurimaw7526: “boss toyo ganda ng ganitong ginagawa mo po!! respect and salute”

@jojojamito1634: “Godblessss boss toyo samat sa pagshare ng blissing napasaya mo ang pasko nila”

Pinoy Pawn Star at TP Fair

Isa si Boss Toyo at misis nitong si Madam Jhoy sa mga bigating vlogger at social media influencer na makikisaya sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up. 

Bisitahin ang booth ng Pinoy Pawn Stars sa TP Fair na gaganapin mula December 27-30 sa SMX Convention Center Manila. Get your tickets at teampayamanfair.com, tara na po ulit!

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

1 day ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

1 day ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

1 day ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

2 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

3 days ago

This website uses cookies.