LOOK: Viy Cortez Reveals BRAND NEW CAR Grand Prize for Team Payaman Fair

Inilabas na sa publiko ni Viy Cortez ang isa sa mga bigating papremyo para sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up. 

Ang ikalawang Team Payaman Fair ngayong taon ay gaganapin sa December 27-30, 2023 sa SMX Convention Center Manila. Dito inaasahang magsasama-sama ang pinakamalalaking personalidad sa larangan ng vlogging, social media, at maging entertainment. 

Dalawampung araw bago ang mas pinalaki at mas pinasayang TP Fair, ibinunyag na ng 27-anyos na vlogger ang GRAND PRIZE para sa inaabangang okasyon. 

Brand new car

Sa isang Facebook post, masayang ibinahagi ni Viy Cortez ang mga larawan ng brand new 2023 Mitsubishi Xpander Cross mula sa MCars PH na maaring mapanalunan sa Team Payaman Fair Holiday Paawer Up. 

“Share mo na kung ang kutob mo ikaw ang maguuwi neto!” ani Viviys.

Samantala, sa isang TikTok video ibinida rin ni Viy Cortez ang nasabing sasakyan na maaring mauwi ng maswerteng dadalo sa TP Fair. 

“Ang tanging gagawin niyo lang ay pumunta lang kayo ng event at maghintay na mabunot ang pangalan niyo!”

Motor, gadgets, and more!

But wait, there’s more! Bukod sa brand new car ay marami pang pwedeng mapanalunan ang mga dadalo sa Team Payaman Fair. 

Kabilang na dyan ang mga Apple products mula sa Mobile Cart PH, KYMCO Like 125 Italia, Motivo e-bike, home appliances mula sa American Heritage, at iba pa.

“Pupunta ka lang ng event may chance ka na maguwi ng Apple products, Motor, appliances at Brand new car!” dagdag pa ni Viy Cortez.

May tyansa ka pang makasalamuha ang iyong favorite Team Payaman stars at iba pang bigating social media influencers at artista gaya nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn, Flow G, Angelica Yap, Toni Fowler, JaiGa, Whamonette at marami pang iba. 

Kaya ano pang hinihintay mo? Bumili na ng ticket sa teampayamanfair.com at magkita-kita tayo sa mas pinalakas at mas pinasayang Team Payaman Fair Holiday Paawer Up! 

Kath Regio

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

4 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 week ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 weeks ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 weeks ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.