Bago pa man tuluyang matapos ang taon, namasyal muna sa Ilocos Norte ang mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada.
Bukod sa pamamasyal, isang kakaibang reyalisasyon ang ibinahagi ni Kevin Hermosada na makakatulong sa pagsagip sa kalikasan.
Sa bagong vlog ni Kevin Hermosada, ibinahagi nito ang ilan sa mga kaganapan sa kanilang nagdaang Ilocos Trip bago lumipad patungong Japan.
Bukod sa kanyang asawa na si Abigail Campañano-Hermosada, kasama rin sa kanilang byahe pa-Norte ang pamilya Hermosada.
Unang binisita ng mga ito ang Avis Falls sa Burgos, Ilocos Norte, na kilala sa tahimik at malinis nitong kapaligiran na talaga namang binabalik-balikan ng mga turista.
“Ang ganda, sobrang ganda talaga. Babalik-balikan mo!” ani Kevin.
Bukod sa pamamasyal, may isa pang agenda si Kevin Hermosada na nais nitong maisagawa para sa inang kalikasan.
Napagtanto nito na sa likod ng magagandang tanawin na kanilang napuntahan ay ang patuloy na pagdumi ng mga tubig at pagbawas ng dami ng malinis na tubig dala ng mga basurang at polusyon.
Kaya naman naisipan ni Kevin na usisain ang kanyang mga kasamahan sa Congpound kung ano nga ba ang maitutulong ng mga ito sa pagsagip sa Inang Kalikasan.
“This place that was given to me by the Lord is so beautiful, that I would take care of it for the next generation to see,” sagot ni Dudut Lang.
“Be aware, and be a responsible tourist sa mga [lugar] na pinupuntahan natin,” ani Burong.
At syempre, may munting payo rin si Kevin para sa mga mahihilig mamasyal o magbakasyon kasama ang pamilya at mga barkada.
“Dapat linisan n’yo ‘yung pinagkainan n’yo, ‘yung mga maliliit na bagay. Kailangan maging responsible tayo sa mga bagay-bagay.”
Watch the full vlog below:
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.