Ice Scramble Vendor Shares How His Resemblance to Cong TV Changed His Life

Halos maging instant celebrity ang isang ice scramble vendor mula sa Bacolod City matapos mag viral sa social media dahil sa hindi maitatangging pagkakahawig nito sa legendary YouTube vlogger na si Cong TV. 

Pero ayon sa Cong TV Bacolod City Multiverse, biglang nagbago ang buhay niya dahil sa pagiging kalook-alike ng 32-anyos na si Lincoln Velasquez ng Team Payaman. 

Team Palamig

Sa ekslusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) kay Jovin Mahinay, a.k.a Cong Bacolod, Cong DVD, at kung anu-ano pa, ang laking tulong daw ng pagkakahawig niya kay Cong TV  sa kanyang hanapbuhay. 

Ice scramble vendor si Jovin na madalas naglalako ng kanyang paninda malapit sa mga paaralan. Unang itong nag viral sa social media nang makunan habang nagtitinda at saktong may isa estudyanteng malapit sa pwesto nito na hawig naman ng kapatid ni Cong na si Junnie Boy

Photo credits to: SnowFreeze ni Cong Facebook page

“Bigla nagbago yong buhay ko, noon isang hamak na vendor lang ako pero ngayon ganon pa rin po hahaha!” biro ni Jovin. 

“Pero malaking tulong ‘yong pag kahawig ko sa mukha ni Boss Cong kasi mas mabenta yong paninda ko at saka maraming nagpa-picture sa’kin hahaha!” dagdag pa nito. 

Pero bago pa man mag viral ang litrato ni Jovin, marami na raw ang nakakapansin na tila pinagbiyak na bunga sila ng leader ng Team Payaman. 

Kwento pa nito, pitong taon na ang nakakalipas nang may unang tumawag sa kanya bilang “Cong.” Noong una ay nagalit pa siya sa mga batang nagbansag sa kaniya nito dahil hindi pa niya kilala si Cong TV. 

Photo credits to: SnowFreeze ni Cong Facebook page

“Akala ko kasi yung ibig sabihin na Cong ay ‘King Kong’ hahaha!” kwento ni Jovin sa VMG. 

“Sabi ko nga sa bata ‘Gusto mo batukan kita, gumalang ka sa mga nakakatanda sayo.’ Tapos sabi ng bata, ‘Hindi po, nong search mo po Cong TV kasi kamukha mo yon.’”

Nang silipin sa internet kung sino ba si Cong TV, laking gulat nya nang makita na kamukha nga niya ang nasabing vlogger. Kaya simula noon ay naging idolo na niya si Cong at ginaya na rin niya ang iconic na balbas nito.  

Wish Cong Lang

Bukod sa mabilis aniyang nauubos ang kanyang paninda ngayon na kilala na siya bilang Cong Bacolod, naiimbitahan na rin ang kanyang negosyong SnowFreeze ni Cong sa mga okasyon, gaya na lang ng nagdaang Augustinian Week 2023 sa Colegio San Agustin-Bacolod.

Sa mga nais matikman ang binasagang “Team Palamig” ni Jovin, maaring makipag ugnayan sa official Facebook page ng SnowFreeze ni Cong o tawagan siya sa 0967-321-7458. 

Samantala, gaya ng maraming fan, nais din ni Jovin na makita ng personal ang kanyang ka-look alike. 

“Para sa nag-iisang Boss Cong, mag ingat ka palagi at ilayo sana sa kapahamakan ang buong pamilya mo at ang bumubuo ng Team Payaman. Mag ingat kayo palagi at sana marami pa kayo mapasayang mga tao. Sana may pagkakataon rin po na makita ko siya sa personal.”

At kung si Cong TV ay kilala sa kanyang iconic line na “Paawer!” aba siyempre, hindi pinalampas ni Jovin na kopyahin na rin ito para sa kanyang ice scramble business, “Powder!” 

Photo credits to: SnowFreeze ni Cong Facebook page
Likes:
0 0
Views:
1287
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

All Comments

  • Sana Makapunta sa Bacolod City Si Cong :0

    Ethan James Sarmiento November 22, 2023 7:59 am Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *