Clouie Dims Bonds With Dudut’s Sisters Through a Fun Japan Mukbang Session

Talaga namang napa-wow ang mga manonood ni Clouie Dims matapos ibahagi ang ilan sa mga nabiling pagkain sa isang convenient store sa Japan.

Kaya naman minabuti nitong samahan ng masayang kwentuhan ang Japan food trip kasama ang mga babaeng kapatid ng nobyo nitong si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang.

Quick 7-11 Visit

Sa pinakabagong vlog ni Clouie Dims, ibinahagi nito sa kanyang mga manonood ang mga napamiling pagkain sa 7-Eleven Japan kasama ang nobyong si Dudut Lang at mga kapatid nito.

Una nang kumuha ng kanin at chicken karaage meal si Clouie Dims para sa kanyang agahan bago pa sumabak sa matinding lakaran at pamamasyal.

Hindi magkamayaw sa pamimili sina Clouie at Dudut dahilan upang mapuno ng mga ito ang kanilang basket.

“‘Yung binili ko walang kahealthy-healthy!” biro ni Clouie.

Humanga ang mga ito nang malamang maraming iba’t-ibang uri ng pagkain ang matatagpuan sa 7-Eleven Japan gaya ng mga smoothie, kape, at ilang authentic Japanese delicacies.

Convenience Store Haul

Pagkauwi ay inimbitahan ni Clouie ang nobyo kasama ang mga kapatid nito na sina Jailon at Jaimee para sa isang masayang convenience store haul na may kaunting chikahan.

Ibinida nito ang ilan sa mga napamili nila gaya ng Pringles in Nori Flavor, Onigiri, Chicken and Egg Sandwich, Chiffon Cake, at marami pang iba.

Nilinaw naman ni Clouie na minsan lang nila makasama ang mga kapatid ni Dudut dahil nakatira at nagtatrabaho na sila sa ibang bansa.

Upang mas maging masaya ang kanilang mukbang session, minabuti ni Clouie na tanungin ang dalawang kapatid ni Dudut upang magka-alaman kung sino ba ang mas nakakakilala dito.

Nang tanungin kung ano ang kauna-unahang putaheng natutunang lutuin ni Dudut, agad naman itong nasagot ni Jailon.

“Menudo!” aniya.

Ibinahagi rin ng mga ito ang mga nagustuhang pagkain na kanilang binili mula sa 7-Eleven Japan gaya ng oginiri, chips, at chicken karaage.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

3 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

6 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 week ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 weeks ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.