Nobyembre pa lang ay sinimulan na ni Pat Velasquez-Gaspar ang paghahatid ng mga Pamasko mula sa Jollibee.
Matapos ang paglilibot-libot ni Mrs. Gaspar, sino-sino naman kaya ang mga maswerteng nabigyan ng maagang regalo?
Sa bagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, kumasa ito sa hamon ng Jollibee na mamigay ng munting surpresa bilang pagsalubong sa Kapaskuhan.
Syempre, hindi kumpleto ang vlog ng isang Pat Gaspar kung wala twist, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay sinubukan nitong mag-motorsiklo mula Las Piñas hanggang Cavite.
Isa sa mga layunin ng hamon na ito ay makakuha ng litrato sa Giant Christmas Frame na hatid ng Jollibee.
Unang hinamon ni Pat ang hairstylist ng Glam Central Salon by Pat and Keng na si Sir Roland na kumanta ng Feliz Navidad kapalit ng 6pcs Burger Steak Pan.
Para sa ikalawang hamon, binisita ni Pat ang kanyang biyenan upang handugan ng parol at ng Jollibee Spaghetti Pan.
“Sabi sa akin ni Keng, every Christmas talaga is naghahanda sila,” kwento ni Pat.
Namahagi rin ng mga Pamasko si Pat sa mga namataan nitong mga construction worker na malapit sa tahanan nina Boss Keng.
Samantala, nagpalaro naman si Pat sa apat na katao para sa tiyansang makakapag-uwi ng 1-piece Chicken Joy Meal ng Jollibee.
Para sa huling hamon, binisita ni Pat ang kanyang Tita Janice, ang ina ng pinsan nitong si Jasmin upang bigyan ng maagang regalo.
Labis ang tuwa ni Tita Janice nang binigyan ito ni Pat ng apat na Yumburger bilang pang-meryenda.
Hindi naman napigilan ng netizens na maantig sa munting handog ni Pat at ng Jollibee sa kanilang mga mahal sa buhay.
@camillemendoza9055: “Nakangiti lang ako the whole video. Miss the vlogs Ms Pat!”
@letstrywithnicole: “Grabe dati cashier ka sa Jollibee, ngayon endorser ka na nila. God is good talaga!”
Watch the full vlog below:
Patuloy na kinagigiliwan ng netizens ang panganay nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si…
In its mission to support and celebrate local businesses, the Viyline MSME Caravan, in partnership…
Sa ika-apat na episode ng kanyang YouTube vlog series na “Kumusta,” ibinahagi ng Team Payaman…
Bukod sa paglalaro ng basketball at online games, isa na rin ang pickleball sa mga…
It’s confirmed — the third wave of the well-loved Team PYMN Cap from Cong Clothing…
A month ago, Cong TV’s very own clothing brand, Cong Clothing, released its newest shirt…
This website uses cookies.