Netizens Applaud Burong’s Eye-Opener ‘Garbage Collector For a Day’ Vlog

Ikinatuwa ng netizens ang bagong YouTube vlog ng Team Payaman vlogger na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, na nagpakita ng buhay ng isang garbage collector.

Sa nasabing vlog, hinamon ni Burong ang kanyang sarili na maging “Garbage Collector for a Day” upang masubukan kung tatagal ba siya sa ganitong klase ng trabaho. 

Challenge Accepted

Ayon kay Burong, ang pagiging garbage collector ay isa sa mga pinaka delikadong trabaho, hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo.

“Sila ang mga taong bumabangon araw-araw upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran,” bungad ni Burong. 

Kaya naman hinamon nito ang kanyang sarili upang maging “garbage collector for a day” upang malaman kung ano ba talaga ang kaakibat ng nasabing trabaho. 

Kasama ang kapwa Team Payaman vlogger na si Steve Wijayawickrama, sinamahan nila ang mga garbage collector sa Las Piñas City sa isa sa kanilang mga ruta. 

Alas tres ng madaling araw nang sinimulan nina Burong at Steve ang hamon kung saan nakasama nila sina Dondon Calonge na higit 14 years nang garbage collector, Christopher Tutanes na magdadalawang taon na sa nasabing trabaho, at Kuya Andi na halos tatlong dekada nang garbage truck driver. 

Naranasan ng dalawang vlogger na mangolekta basura sa commercial at residential area, mag-operate ng garbage truck compactor, at alamin kung saan ba napupunta ang lahat ng nakokolektang basura. 

Aminado si Burong na inakala niyang magiging madali ang hamon, ngunit habang tumatagal sa paghahakot ng basura ay nararamdaman na nito ang bigat at panganib na kaakibat ng nasabing trabaho. 

“Isa sa mga dahilan kung bakit delikado ang pagiging garbage collector ay dahil isa sila sa mga nagiging exposed sa iba’t-ibang uri ng mga waste, kung saan ang karamihan dito ay pwedeng makapagdulot sa kanila ng sakit.”

Netizens reaction

Dahil sa kakaibang atake ng vlog, ipinahatid ng netizens ang paghanga nila sa content ni Burong na maari anilang kapulutan ng aral. 

@bretheartgregorio1886: “Thank you Burs, dating basurero ang tatay ko at proud ako dun dahil dun nakapag tapos niya kaming magkapatid.”

@bayoleyt: “Reminder din to na dapat maging responsable tayo sa pagtatapon at pag segregate ng basura natin, kahit papano yun ang magiging tulong natin sa kanila at sa kalikasan natin. Kudos talaga Burs at Steve.” 

@baroquillorosannav.7624: “This is actually an eye opener to everyone who does not know how hard their job is tapos under paid pa sila.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Mom Viy Cortez-Velasquez Shares Sweet Bedtime Moments with Kidlat and Tokyo

Isang sweet moment ang ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez matapos ang kanilang bedtime storytelling. Tunghayan…

3 hours ago

TP Kids Takes Its Fun Learning Experience to Schools Across Metro Manila

With the goal of helping more kids enjoy learning, TP Kids is bringing its fun…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Holiday-Coded Fit Inspo for Your Next OOTD

We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…

21 hours ago

Angelica Yap Opens Up About Being a Rap Superstar’s Girlfriend with Michelle Dy

Sa bagong episode ng Makeup Sessions Season 2, tampok sa vlog ni Michelle Dy ang…

21 hours ago

Zeinab Harake-Parks Treats Bea Borres with Newborn Essentials

Sa ikalawang bahagi ng kaniyang ‘Spoiling Buntis’ YouTube serye, inimbitahan ng vlogger na si Zeinab…

1 day ago

This website uses cookies.