#THROWBACK: 10 Utos ng Vape According to Cong TV

This article is sponsored by Flava Corporation

Noong kasagsagan ng pagsikat ni Cong TV bilang YouTuber, isa sa mga viral videos niya noon ay ang kanyang “Sampung Utos” series na talaga namang kinagiliwan ng netizens. 

Bagamat anim na taon na ang nakakalipas nang gawin ni Cong ang “10 Utos ng Vape” na mayroon ng higit 9 million views, napapanahon pa rin ang mga puntong tinalakay niya rito. 

Balikan natin ang 10 Utos ng Vape ni Cong TV na kapupulutan pa rin ng aral ng kasalukuyang vaping community. 

10. Thou shall not “vape ng bayan”

Ayon kay Cong TV, para raw ito sa mga mahilig maki-hipak ng vape nang may vape. Ika nga ni Cong TV: “Kung gusto mong mag bisyo, bumili ka!”

Maaring katanggap tanggap ang “vape sharing”  six years ago, pero ngayon na kagagaling lang natin  sa pandemya ay mas mabuting iwasan na ito. 

Buti na lang at marami nang disposable vape ngayon gaya ng mga produkto ng Flava Corporation.  

9. Thou shall not “juice ko po”

Gaya nang nauna, pero para naman daw ito sa mga vapers na may pambili ng vape, pero walang pambili ng juice.

8. Thou shall not “vipe”

Paalala ni Cong, ‘wag bumili ng mga mumurahing vape na siguradong hindi pumasa sa quality control.

“‘Wag mong isang alang alang yung buhay mo para lang magmukha kang cool sa harap ng mga kaibigan mo.”

7. Thou shall not bakit

Paliwanag ng ngayon ay 32-anyos na YouTuber, karamihan sa mga nagva-vape ay nais tumigil sa kanilang bisyo na paninigarilyo. 

“Pero kung wala ka namang bisyo, kaibigan, tapos gusto mong mag vape, bakit?” dagdag pa nito.

6. Thou shall not sell vape to minors and non-smokers

Paliwanag ni Cong TV, ang adbokasiya ng vaping community ay tulungan ang mga smokers na tumigil sa bisyo sa pamamagitan ng vaping. Kaya naman hinihikayat niya ang mga sellers na maging responsable sa pagbebenta ng vape sa non-smokers at menor-de-edad. 

5. Thou shall not “vapewhore”

Iwasan din aniya ang araw-araw na pagpopost ng selfie habang gumagamit ng vape. Katanggap tanggap lang daw ang ganitong gawain sa mga vape sellers at distributors na nais i-flex ang kanilang produkto. 

4. Thou shall not vape snob

“Kadikit ho nung kung gaano kamahal yung vape nila yung ego nila. Dahil siya yung may pinaka magandang vape sa buong mundo, wala na siyang pakielam kahit kanino.”

3, 2, 1. Thou shall not alapaap

Alapaap, short for “Alanganin Palagi ang Pagbuga.” Ito aniya ang numero unong sumisira sa reputasyon ng vape scene sa bansa.

“Kung bumuga akala mo lagi nasa competition. May tamang oras po at lugar sa pagva-vape,” ani Cong TV. 

“Ganito ka-simple yan noh, don’t vape where you can’t smoke,” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Brings Luck to the Kitchen with Recent ‘Cooking Ina’ Episode

Sa isa na namang episode ng ‘Cooking Ina’ serye ni Viy Cortez-Velasquez, good vibes at…

3 hours ago

Is the ‘Team Payaman’ Movie Coming to Life? Yow Andrada Teases Viewers in Vlog

Isang nakakatuwang balita ang hatid ng Team Payaman content creator na si Yow Andrada sa…

2 days ago

Sachzna Laparan Proudly Shares Her Home Built from Years of Hard Work

Matapos ang ilang buwang paghihintay, ibinahagi na ng content creator at actress na si Sachzna…

4 days ago

Team Payaman’s Dudut Lang Levels Up Crocodile Meat in Latest Vlog

Isa na namang kakaibang lutuin ang hatid ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang,…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure

‎‎ Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman mother-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez…

5 days ago

Chino Liu Welcomes ‘Sugod Nanay Gang’ Casts in Latest ‘Kags, Help!’ Episode

Sa pinakabagong episode ng ‘Kags, Help,’ ipinakita ni Chino Liu, kung paano niya hinaharap ang…

6 days ago

This website uses cookies.