Vien Iligan-Velasquez Frights Team Giyang with Denied Japan Visa Prank

Ilang araw na lang ay lilipad na ang buong Team Giyang patungong Japan upang ipagdiwang ang kaarawan ng panganay ng Junnie-Vien na si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi.

Bago pa man ipaalam na aprubado na ang kanilang mga tourist visa, naisipan ni Mommy Vien na pakabahin muna ang mga kasama bago ito ma-excite sa kanilang bakasyon 

Visa Prank

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ipinasilip nito sa mga manonood ang pagkakataong matagal na niang hinihintay.

Tuloy na tuloy na ang Japan trip ng Team Giyang para sa kaarawan ni Mavi, ngunit hindi pinalampas ni Vien na pakabahin ang kanyang mga makakasama at ibinahagi nito ang kanilang mga reaksyon.

“Ipa-prank lang natin sila na kunyari, kahit guarantor ka, pwedeng hindi ka ma-approve [sa visa application]” bungad nito.

Una na nitong pinrank ang kanilang mga video editor na sina Joshua at Bods na kanila ring makakasama sa nasabing Japan trip.

“Hindi ka na-approve!” ani Vien.

“Oh? So… wala?” inisyal na reaksyon ni Joshua na napawi matapos amining “prank” lang ng kanyang Ate Vien.

Natawa na lang din si Bods nang makita ang kanyang litrato. Hindi nito inakala na Japan Visa na pala ang kanyang nahahawakan.

Sunod na pinagtripan ni Vien ang asawa nitong si Junnie Boy na nakahalata na sa pinaplano ng asawa dahil sa mga ngiti nito.

“Eh di kung hindi, eh di ano, walang aalis!” sagot ni Junnie.

Dahil medyo palya ang prank ni Vien sa kanyang asawa, muli nitong sinubukan ang pagpapakaba kay Bok na tila hindi na maipinta ang mukha sa natanggap na balita.

“Hindi porket guarantor [ka], matutuloy ka din. Base sa mga requirements mo, hindi ka nakapasa,” ani Vien.

Maya-maya pa ay napansin na ni Bok ang mga katagang “Japan Visa” sa kanyang passport dahilan upang mapawi ang kanyang lungkot.

Japan Ukay Ukay

Sa parehong vlog ay isinama rin ni Vien ang kanyang mga manonood sa kanilang paghahanap ng mga damit na gagamitin sa Japan.

Napagisipan nitong sumubok maghanap ng mga damit sa ukay-ukay upang maiwasan ang mamahaling gastos lalo pa’t magbabakasyon sila sa ibang bansa.

Mula sa sweater, coat, at retro-inspired na mga damit, walang tapon sa mga nahanap ni Vien sa nasabing ukayan.

“Kapag galing to sa patay, pakukuluan ko na lang,” biro nito.

Umabot ng P23,000 para sa anim na katao ang mga binayaran ni Vien mula sa kanilang mga napiling damit sa ukay-ukay. 

“Mahal ‘tong ukay ukay na ‘to, sa totoo lang. Pero wala na kaming choice kasi last minute ‘to,” aniya.

Watch full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

18 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

18 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.