Yiv Cortez Shares Unforgettable TWICE Ready To Be Experience

Hindi maipagkakaila na isa si Yiv Cortez sa mga solid supporters ng all-girl KPop group na TWICE.

Kaya naman ibinahagi nito ang masaya at hindi malilimutang karanasan sa kauna-unahang TWICE concert na dinaluhan ng 19-anyos na kapatid ni Viy Cortez. 

First TWICE Concert

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Yiv Cortez ang kanyang mga taga-suporta sa pagnood ng TWICE Ready To Be Concert sa Philippine Arena sa Bulacan.

“So guys, ito na ang pinaka-inaantay kong moment sa buhay ko!” excited na bungad nito.

Matapos ang ilang oras na pagbyahe ay narating na rin ni Yiv ang concert venue ngunit minabuti muna nitong tumambay sa sasakyan at kumain ng merienda.

Matapos kumain ay agad na pumasok si Yiv sa loob ng concert venue at naghintay hanggang sa magsimula na ang TWICE concert performance.

Mapapansin sa vlog na hindi na magkamayaw si Yiv at iba pang mga TWICE fans matapos lumabas ang nasabing Korean girl group. 

“Unahin ko muna sarili ko magsisigaw ah?” biro ni Yiv.

Hindi rin napigilan ni Yiv na mamangha sa galing ng pagsayaw at pagkanta ng kanyang iniidolong grupo.

“Super enjoy ko talaga, kita n’yo naman walang pagod sa paghampas ng candybong hahaha!” dagdag pa nito.

Natapos ang gabi ng may malaking ngiti si Yiv dala ang alaala ng isang masayang concert experience na hatid ng TWICE.

The Aftermath

Pagkauwi ng bahay ay agad na tumikim si Yiv ng paninda nitong Lasagna mula sa YIVA.

Mapa-umagahan, tanghalian, merienda, o hapunan, pwedeng pwede kasalo ang Lasagna at Bibingkang mula sa YIVA.

Kung nais matikman ang mga paninda ni Yiv Cortez, maaring umorder sa kanilang official Facebook page.

Samantala, masaya naman ikinuwento ni Yiv ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa TWICE concert.

“Grabe, ang gaganda nila. Number one grabe!”

Ibinahagi rin ni Yiv na napamangha siya ng naging performance ng lead ng grupo na si Jihyo dahil sa kanyang stage presence. Nilinaw naman nito na nananatiling si Mina ang kanyang bias.

“Sana bumalik sila and sana VIP na ako!” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

13 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.