Panibagong araw, panibagong recipe na naman ang hatid ng Team Payaman resident baker at cook na si Abigail Campañano-Hermosada.
Pero sa pagkakataong ito, imbes na si Abby ang magluto ay hinamon nito ang kanyang mister na si Kevin Hermosada para ipagluto siya ng isang masarap na merienda.
“Since ako lagi ang nagluluto at nagpe-prepare ng ingredients, naisip ko isa-isahin yung mga tao dito sa bahay and tanungin kung ano yung kanilang mga specialty,” ani Abby.
Crispy Palabok ala Kevin Hermosada
Unang tinanong ni Abby ang asawang si Kevin Hermosada na nagsabing Palabok ang kanyang specialty. Ibinahagi rin ng Libre band frontman ang mga ginagamit nitong sahog sa pagluluto ng Palabok sauce.
Lingid sa kaalaman ni Kevin at namili na pala si Abby ng mga sumusunod na ingredients para sa nasabing merienda:
- Giniling na baboy
- Bawang
- Sibuyas
- Palabok sauce or aswete
- Shrimp
- Shrimp cubes
- Fish sauce
- Boiled egg
- Chicharon
- Onion leaks
- Toasted garlic
- Vermicelli Sotanghon
- Kalamansi
“Bumili na ko kanina ng ingredients na gagamitin mo, so ang gagawin mo na lang ay lulutuin ‘to at tuturuan ako kung paano lutuin yung palabok,” pagbubunyag ni Abby.
Game na game namang sumabak sa pagluluto si Kevin bilang paglalambing na rin sa kanyang misis.
Una nilang ipinrito at pinagmantika ang baboy, sunod na iginasa ang bawang at sibuyas, saka hinalo ang palabok sauce at tinimplahan ng pampalasa gamit ang patis at shrimp cubes.
Dahil tila ginanahan si Kevin sa pagluluto, binigyan din niya ng twist ang nasabing recipe at ginawa itong Crispy Palabok.
Taste Test
Syempre, hindi kumpleto ang vlog ni Abigail Campañano-Hermosada kung walang tikiman. Unang ipinatikim ni Kevin ang kanyang Crispy Palabok sa Team Payaman video editors na sina Cyril Factor at Steve Wijayawickrama.
“Ang sarap, pre!” ani Cy sa unang kagat palang.
Hatol naman ng Ti Babi’s Kitchen baker at owner: “Ang sarap! Ten out of ten!”
Sino ang susunod na Team Payaman member ang gusto nyong hamunin ni Abby sa kusina? I-comment nyo na mga kapitbahay!
Watch the full vlog below: