Junnie Boy Eliminated From Team Payaman Fitness Challenge

Sa ikalawang bahagi ng Team Payaman Fitness Challenge finale, tuluyan nang nalaglag mula sa kompetisyon si Junnie Boy

Matatandaang noong ikinasa ni Cong TV ang “Medyo Hell Week” para sa mga kalahok ay una nang natanggal si Yow Andrada matapos magpasiya si Steve Wijayawickrama na iboto ito. 

Ano pa kaya ang susunod na kakaharaping hamon ng mga natitirang matibay na sina Boss Keng, Dudut Lang, Steve, Mentos at Bok?

Plane Race

Nagtungo sa Pampanga ang Team Payaman boys upang isagawa ang ikalawang parte ng bagong hamon ni Cong TV na tinawag nitong “Plane Race.”

Para sa round na ito, simple lang ang gagawin ng bawat pares: kailangan madala nila ang isang commercial plane na may tinatayang bigat na 110,000 hanggang 775,000 pounds, mula Point A to Point B na may layong 500-metro.

Nahati sa tatlong pares ang mga natitirang kalahok at naging magkakampi sina Dudut Lang at Bok, Steve at Junnie, at Mentos at Boss Keng

Hindi naging madali ang round na ito para sa mga kalahok dahil nasubok ang kanilang lakas at determinasyon. Kitang-kita na nagbunga ang halos isang buwan nilang pag-aalaga sa kani-kanilang kalusugan at pangangatawan. 

Another plot twist

Dahil nakapagtala ng mas matagal na oras sina Steve at Junnie Boy, sila ang natalo sa nasabing round. Ngunit, hindi kumpleto ang hamon ni Cong TV kung walang plot twist. 

Binigyan niya sina Junnie Boy at Steve ng tig-isang kahon na magdidikta ng kanilang kapalaran sa kompetisyon. 

“Meron tayong dalawang box dito, nakalagay ‘advance’ saka ‘farewell.’ So ikaw, Junnie may tyansang makipagpalit (ng kahon) kay Steve kung mapapaniwala ka niya na nasa kanya ang farewell o advance,” ani Cong TV. 

Dito nasubok naman ang convincing powers ng Sri Lankan editor-turned-vlogger ng Team Payaman. 

Alamin kung paano nga ba tuluyang nagpaalam si Junnie Boy sa kumpetisyon?

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1094
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *