Hindi na mapigilan ang excitement sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa darating na December 27-30 sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City.
Narito ang mga bagong mukhang dapat n’yong abangan na tiyak na makikisaya sa Pamaskong handog ng Team Payaman Fair!
Isa ka ba sa mga kinikilig sa Team KathRyee? Pwes, hindi lang on-screen kilig ang mararamdaman mo dahil may pagkakataon ka ng personal na makasalamuha ang magkasintahan sa likod ng TikTok trending skincare items!
Kilala ang real-life couple na sina Kath Melendez at Ryee Armenta dahil sa higit 2 million subscribers nila sa YouTube. Isa rin sa mga pinagkaka-abalahan ng dalawa ay ang kanilang skincare business na HerSkin at NEKO by Kath Melendez.
Abangan ang KathRyee dahil personal n’yo na ring masusubukan ang mga produkto nitong yumanig sa TikTok shop.
Napasayaw ka na rin ba ng sikat na dance trend na “Chambe?” Pwedeng pwede mo na itong sayawin kasama ang nag-iisang Alex Gonzaga sa Team Payaman Fair!
Nakilala si Alex Gonzaga sa kanyang mga kwelang vlogs kasama ang kanyang asawa na si Mikee Morada, kapatid na si Toni Gonzaga, pati na rin ang mga magulang nito.
Sa ngayon ay mayroon ng 13 million YouTube subscribers at 10 million Facebook followers si Alex.
Kung hanap mo naman ay masasarap na inumin habang naglilibot sa Team Payaman Fair, sagot na ‘yan ni Alex Gonzaga, dahil ibibida niya rito ang kanyang negosyong Happy Cup!
Kung kwela’t saya naman ang hanap mo, hinding hindi ka madidismaya ng Capinpin Brothers dahil makikisaya rin ang mga ito sa Team Payaman Fair!
Nakilala ang Capinpin Brothers na sina Gavin, Allen, at Kelzy dahil sa mga nakakatuwang TikTok skits at pranks. Umaabot sa 500,000 ang kanilang Facebook followers at mahigit 900,000 naman sa TikTok.
Sa isang ekslusibong panayam n VIYLine Media Group, personal na inimbitahan ng Capinpin Brothers ang kanilang mga taga-suporta sa Team Payaman Fair.
“Abangan n’yo po ‘yung ilalabas namin ‘don sa mismong event kung ano ‘yung mga ibebenta namin kasi until now, hindi pa po namin ‘yun nailalabas!”
Dagdag pa nito: “Guys, punta kayo sa TP Fair sa December 27-30 iniimbitahan namin kayo and magkulitan tayo don!”
Marami pang mga pasabog ang naghihintay para sa inyo dahil marami pang mga kilalang pangalan sa mundo ng social media ang bubuo ng Pasko at Bagong Taon n’yo! Ano pang hinihintay nyo, bumili na ng ticket sa teampayamanfair.com dahil nagkakaubusan na!
Manatiling nakatutok sa official Facebook, Instagram, at TikTok accounts ng Team Payaman Fair para updated ka sa mga dapat abangan sa darating na TP Fair Holiday Paawer Up!
Muli, kita kits tayo ngayong December 27-30, 2023 sa SMX Convention Center Manila. Tara na po ulit?
Matapos ang kanilang basketball rematch sa Star Magic All Star Games, ibang sport naman ang…
Perfect Scent by Viyline aimed to redefine the industry of home essentials when it introduced…
Ilang araw bago ganapin ang Star Magic All Star Games, tampok sa vlog ni Cong…
Hindi lang basketball skills ang hatid nina Yow at Cong TV, kung hindi pati good…
Isang masaya at kwelang vlog collaboration ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong YouTube…
Naghatid ng girlhood energy ang Team Payaman Girls sa kanilang TikTok entry serye mula sa…
This website uses cookies.