Abigail Hermosada Prepares Whole Wheat Flatbread for Health-Conscious Team Payaman Members

“Nandito na naman tayo para sa isang merienda serye ng Ti Babi’s Kitchen!”

Iyan ang bungad ni Abigail Campañano-Hermosada sa kanyang bagong YouTube vlog, kung saan panibagong healthy recipe na naman ang hatid nito sa kanyang manonood. 

Para sa episode na ito, ibinahagi ng asawa ni Kevin Hermosada kung paano siya gumawa ng Whole Wheat Flatbread para sa mga health-conscious na miyembro ng Team Payaman. 

Healthy Wraps

Para sa bagong healthy merienda hatid ni Ti Babi’s Kitchen baker and owner Abigail Hermosada, gumawa ito ng healthy burrito wraps. 

Unang hinanda ni Abby ang mga ingredients na gagamitin sa paggawa ng flatbread gaya ng mga sumusunod:

  • Wheat Flour
  • All Purpose Flour
  • Salt
  • Water
  • Sugar
  • Olive Oil
  • Instant Dry Yeast

Pinaghalo halo ni Abby ang mga ingredients sa isang mixing bowl at saka isinalang sa mixer sa loob ng walong minuto. 

Pagkalipas ng halos kalahating oras ay hinati-hati na ni Mrs. Hermosada ang pinaalsang dough at sinigurong pare-pareho ang timbang upang ma-track ng mga consistent sa kanilang Calorie Deficit diet.

Hinayaan naman ni Abby ang mga kasamahan na gumawa ng ipapalaman nila sa nasabing healthy wraps. 

Agad namang naghanda ng mga palaman si Kevin gaya ng chicken breast, tomato, cabbage, lettuce, cucumber, at hard-boiled egg. 

Taste test

Siyempre, hindi kumpleto ang cooking vlog ni Abby kung wala ang tikiman. Unang hinatulan nina Cong TV, Doc Alvin Francisco, at Coach JM ang nasabing recipe.

“Sarap, Abby! Number one! Healthy pa!” hatol ni Doc Alvin. 

Samantala, nilinaw naman ni Cong TV na walang bawal kainin ang mga nagda-diet gaya nya.  

“As long as pasok dun sa macros mo, walang problema. Kahit ano, kahit fast food pa yan, basta pasok sa macros mo, pwede!” paliwanag ni Cong.

Hinikayat din ni Abby ang kanyang mga manonood na gawin ang nasabing recipe. 

“So guys gawa na rin kayo ng ganito nyo, maging healthy na tayo pare-pareho,” paghikayat ni Abby. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.