Viy Cortez Opens Up About Postpartum Anxiety and How Cong TV Helps Her Overcome It

Matapang na ibinahagi ni Viy Cortez ang pinagdadaanan nitong postpartum anxiety bilang ina. To the rescue naman ang kanyang soon-to-be husband na si Cong TV para pagaanin ang kanyang kalooban. 

Sa isang Facebook post, inamin ng 27-anyos na vlogger na nagkaroon sila ng hear-to-heart talk ng kanyang fiance kung saan napag-usapan nila ang kanyang mga ikinababahala sa buhay.  Ano naman kaya ang naging sagot ni Cong sa kanyang suliranin?

Postpartum Anxiety

Kwento ni Viy Cortez, habang nagkakape ay inamin niya kay Cong TV na inaatake na naman siya ng kanyang anxiety na nauwi sa pagdarasal nilang mag nobyo. 

Hindi namin namamalayan ang nagiging topic na namin ay si Lord hanggang sa nag dasal kami. Grabe ang sarap sa pakiramdam. Lord maraming salamat ginawa mong tulay si Cong para makausap kita,” ani Viviys. 

Nagpasalamat din ito sa kanyang 31-anyos na future husband sa pagpapagaan ng kanyang pakiramdam. 

“Ang gaan gaan sa pakiramdam. I love you, daddy, thank you. Salamat din sa papa ko na araw araw sakin sinasabi yung ‘Don’t worry, God knows,’” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Viy, tila nabuksan muli ang kanyang pag-aalala sa mga bagay bagay dahil sa pagkakasakit at pagkaka-ospital ng kanilang anak na si Kidlat kamakailan lang. 

Ano nga ba ang postpartum anxiety? Ayon sa Health Line, ito ay ang madalas na pag-aalala sa mga bagay-bagay matapos manganak. Minsan ay nagdudulot din ito ng kakulangan sa tulog, fatigue, pagkahilo, hyperventilation, at iba pa. 

Kung nakakaranas ng postpartum anxiety, mabuting kumonsulta sa doctor upang mabigyan ng kaukulang payo.

Mental Health Awareness

Bukod kay Cong TV, to the rescue rin ang ama ni Viviys na si Mr. Rolando Cortez para bigyang payo ang anak. 

Sa kanyang comment sa nasabing post, ibinahagi ni Mr. Cortez na isa sa mga pangarap niya para sa VIYLine Group of Companies ay magkaroon ng foundation na magsusulong sa mental health awareness.

“That’s why, as I’ve mention(ed) to you (a) few weeks ago that we’ll be registering by January a non-stock & non-profit organization (Foundation) for mental health awareness,” ani Mr. Cortez, o mas kilala bilang “Papa Wow.”

“It is my lifelong dream and advocacy to help those people suffering from stress and depression, including anxieties on how to overcome this kind of stigma,” dagdag pa nito.

Likes:
0 0
Views:
506
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *