Viy Cortez Catches Cong TV Lying in a Lie Detector Test Challenge?

Ilang buwan bago opisyal na maging Mr. and Mrs. Velasquez, sumabak muna sa Lie Detector Challenge sina Cong TV at Viy Cortez upang subukin ang kanilang relasyon. 

Ano-ano kaya ang nabuking nila sa isa’t-isa? Matutuloy pa nga ba ang kasalan matapos ang mga nadiskubre nilang katotohanan?

Legit Lie Detector Test

Matatandaan na noong 2018 ay unang sumabak ang YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez sa isang Lie Detector Test Challenge gamit ang trending na laruan noon. 

Pero ngayon, sa tulong ng mga eksperto mula sa Eyespy Detectives and Investigators Co, ay sumailalim ang dalawa sa isang lehitimong Lie Detector Test.

Unang nagpalitan ng madadaling tanong ang soon-to-wed couple gaya ng “Lagi ka bang nababanguhan sa hininga ko?”, “Meron ka pa bang gustong baguhin sakin?”, “Sa tingin mo, ikaw ba ang kamukha ni Kidlat sa ating dalawa?” at marami pang iba, kung saan hindi naman sila nahuling nagsisinungaling. 

Matapang ding sinagot ng 27-anyos na VIYLine CEO ang haka-haka ng netizens na dumaan ito sa liposuction procedure kaya pumayat. 

“Guys, wala akong lipo. Kasi kung magpapa-lipo ako sisiguraduhin kong Kim Kardashian ako, wala akong iiwan na konting bilbil!” paliwanag ni Viy. 

Huli pero ‘di kulong!

Para sa Level 2 ng nasabing challenge, sumagot nang mas mabibigat na tanong sina Cong at Viy na ngayon ay nasa ika-walong taon na ng kanilang relasyon. 

Dito na nahuling nagsinungaling si Viviys nang sagutin ng “wala” ang tanong na: “Nagselos ka na ba sa tao na parte ng buhay ko?”

Paliwanag ni Viy, nagselos lang naman siya sa mga bagay na mas ginugugulan ng oras ni Cong TV gaya ng pagmomotor o paggy-gym. 

“Yung mga hobby niya na bago na parang hindi na niya ako nabibigyan ng time kasi nandun siya sa mga hobbies niya na yon,” ani Viy Cortez

Pero hindi rin nakalagpas sa Lie Detector Challenge ang pagsisinungaling ni Cong TV sa tanong na “Na-aattract ka pa ba sa iba?”

Depensa ni Cong, hindi naman maiiwasan na humanga ito sa mga nakikita sa social media. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

13 hours ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

13 hours ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

13 hours ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

2 days ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

3 days ago

This website uses cookies.