Netizens Applaud Junnie Boy and Vien’s ‘Influencer Attitude’ During TWICE Concert

Kaliwa’t-kanang papuri ang natanggap ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez matapos maisiwalat ang ipinakitang ugali sa kakatapos lang na Twice Ready to Be World Tour.

Isa ang mag-asawang Team Payaman vlogger sa libo-libong dumalo sa concert ng nasabing KPop girl group sa Philippine Arena noong Sept. 30 at Oct. 1, 2023. 

Bilang isang tunay na “Once” o avid fan ng grupong TWICE, nagpamalas umano ng magandang halimbawa ang mag-asawa sa nasabing concert. 

Junnie Boy Fanboy Era

Hindi ipinagkakaila ni Junnie Boy na isa syang solid TWICE fan, kaya niregaluhan ito ng concert tickets ng asawang si Vien Iligan-Velasquez bilang advance Christmas gift.  

Matatandaan na noong 2019 ay una nang sinubukan ng 29-anyos na vlogger na makanood ng concert ng TWICE ngunit bigo itong makabili ng ticket. 

Pero sa muling pagbisita ng kilalang Kpop group, natupad na ang pangarap ng kapatid ni Cong TV na mapanood sila ng live. 

Sa isang Facebook post, ibinida ni Junnie ang pagpunta niya sa concert suot ang kanyang Twice merch complete with candy bong light stick. 

Ipinasilip naman ni Mommy Vien ang ilang kaganapan sa concert sa isang TikTok entry, kung saan makikita ang kasagsagan ng “fanboy era” ng nag-iisang Junnie Boy. 

Worth to stan

Pero bukod sa pag-eenjoy ng mag-asawa sa concert, isang netizen ang nagsiwalat ng ipinamalas na ugali nina Junnie at Vien sa TWICE concert. 

Kwento ng nakasaksi, binibigyan daw ng pagkakataon ng security ang mag-asawa upang bumaba sa VIP area, nguni tumanggi ang mga ito at nanatili sa binili nilang Lower Box tickets.

“Sobrang saludo ako sa inyo, pinapupunta kayo sa vip ng bouncer pero ayaw niyo, para fair sa iba. A true fan, indeed! Nice to see you both mga idol.”

Ikinatuwa naman ng ibang netizens at kapwa Once ni Junnie ang nasabing balita at mas lalong hinangaan ang mag-asawang miyembro ng Team Payaman. 

@maxtozaki: “ganon ang influencer!”

@kkukvluvr: “iba yan si junnie kahit nung last con ng twice di niya ginamit connection nila para makakuha ng ticket, pumila pa siya nun kahit sa huli naubusan siya”

Joniel Locasia: “hindi mo sila matutulad sa ibang personality. Napaka down to earth ng pamilya nila, di sila nanlalamang ng kapwa.”

Hdf: “Gusto rin nila pumila papasok kahit super haba nung line sa lower box! Love u Vien!”

Kath Regio

Recent Posts

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

11 hours ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

13 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

1 day ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

2 days ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

2 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

3 days ago

This website uses cookies.