Anne Clutz Celebrates 10th Year in the Vlogging Industry

Batang YouTube ka kung isa ka sa mga nakasubaybay sa mga makeup tutorials ng OG content creator na si Anne Clutz.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng OG makeup guru ang ika-sampung taon nito sa larangan ng content creation industry.

Anne Clutz Through The Years

Naging matunog ang pangalan ni Anne Clutz nang magsimula itong ibahagi ang kanyang mga kaalaman pagdating sa paggamit ng makeup.

Nakilala ito sa YouTube dahil sa kanyang mga “honest reviews” pagdating sa mga produktong kanyang sinusubukan ng walang kinikilingan o bias.

Hanggang ngayon, bumabaha pa rin ng suporta at pagmamahal para sa isa sa mga OG vloggers ng bansa.

Bukod sa kanyang pagmamahal sa makeup at skincare, isa rin sa mga inaabangan ng kanyang mga manonood ay ang kanyang journey bilang isang full-time mom kina Ate Jea, Kuya Joo, at bunsong si Baby Jirou. 

Hinangaan din ng netizens ang pagiging totoo ng binansagang “Mama Anne” ng lahat sa likod at harap ng camera. Walang bakas ng pagkukunwari pagdating sa kanyang mga inilalabas na vlogs.

At syempre, sa loob ng sampung taon, pinasok na rin ng makeup vlogger ang pagnenegosyo gaya ng Anne Clutz Brushes, Anne Clutz Beauty Solutions, at LugawANNE na patok na patok sa masa.

Speaking of business, makakasama rin natin ang nag-iisang Anne Clutz sa nalalapit na Team Payaman Fair Holiday Paawer Up ngayong December 27-30 sa SMX Convention Center Manila.  Kaya’t ‘wag nang palampasin ang pagkakataon makita ng personal ang OG makeup guru!

Touching Comments

Hindi naman pinalampas ng mga taga-suporta ni Anne Clutz na ipahatid ang kanilang pagbati sa nag-iisang Mama Anne sa ika-sampung anibersaryo nito.

@cvlpaq3714: “10 years of vlogging without expecting to be trending, just doing what you really love —connecting to the people and always making them feel like they are part of Clutz fam.”

@moishofa1845: “OMG! Montage naluluha talaga ako every year, Anne kasi ang laki talaga ng tulong mo and your family sa akin last 2015. Tagal na nating cyber friends”

@carmzmelay: “Grabe naiiyak ako!!!!! 10 years na agad ‘yun? Simula condo days andito na ako! Grabe parte na kami ng pamilya mo Mama Anne! Mahal ka namin at salamat sa pagiging Mama Anne ng YouTube!”

Happy 10th vlogging anniversary, Anne Clutz!

Watch the full recap here:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

3 days ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

3 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

5 days ago

This website uses cookies.