Hindi pinalampas ng Team Payaman Girls sa pamumuno ni Clouie Dims ang pagsubok sa kilalang food bazaar na Ugbo na matatagpuan sa Tondo, Manila.
Minabuti nitong isama ang mga kaibigan sa kanyang Php 1,000 challenge kung saan pagkakasyahin nito ang pera sa kanilang mga kakainin. Nagtagumpay kaya ang mga ito?
TP Girls Goes to Ugbo
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Clouie Dims ang kanyang mga manonood sa pagdayo sa Tondo, Manila kasama sina Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, Jopearl Abad, at Pat Pabingwit.
Hindi magkamayaw ang grupo nina Clouie nang makita ang pagkahaba-habang hilera ng mga kainan sa Ugbo. Laking gulat naman ni Tita Krissy nang may kaakibat na hamon pala ang kanilang Ugbo Food Trip.
“Ay, may challenge?” biro nito.
Una nilang sinubukan ang kakaibang sweet corn na puno ng melted cheese na nagkakahalaga ng Php 45 isang baso.
Sunod namang sinubukan ang siomai ala Tondo na nagkakahalaga ng Php 55 ang limang piraso.
Isa sa mga tipid hacks ng TP girls ay naghahati-hati ang mga ito sa bawat pagkaing binibili upang makatipid at maiwasan mabusog agad para masubukan ang iba pang pagkain.
Nang makaramdam ng uhaw, bumili ang mga ito ng Dragonfruit Juice na nagkakahalaga ng Php 60.
Hindi rin pinalampas ng mga ito na masubukang kumain ng Hong Kong Style Fried Noodles na nagkakahalagang Php 40 isang cup.
Laking tuwa ng magkakaibigan nang matikman ang masarap na fried noodles na may halo ng kanilang paboritong mga sauce.
Madami pang sinubukang street foods ang magkakaibigan gaya ng Wagyu Skewers, Japanese Sausage, Rainbow Crepe, Grilled Scallops, Milktea, Inihaw na Tuna Belly, at Chicken Pastil.
Challenge Success!
Nang matapos na sa kanilang food trip, laking tuwa ng Team Payaman Girls nang mapagkasya nila ang kanilang budget habang sila ay nabusog.
Naubos man ang kanilang Php 1,000, nasulit naman ng mga ito ang pagkaing nabili dahil bukod sa abot kaya ang mga pagkain, ay garantisadong masarap ang mga ito.
“Alam n’yo, pwedeng pwede ang Php 1,000 dito. Pero ang advice namin ‘wag nyong ibudget. Kung pupunta kayo dito, ‘wag n’yo nang ibudget, i-all out n’yo,” payo ni Tita Krissy.
Ani Clouie: “Pwede na kayo dito mag dinner, magmerienda kasi 4PM pa lang open na.”
Watch the full vlog below: