Looking for Cong TV’s Daily Vlogs? Here’s Why He’s Been Missing in Action

Ilang araw na lang ay matatapos na ang 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman, ngunit mahigit isang linggo na rin nang huling nagbigay ng update si Cong TV sa estado ng nasabing hamon. 

Matatandaang ipinangako ng 31-anyos na vlogger sa kanyang 11.5 million subscribers ang pagkakaroon ng “Daily Vlogs” ngayong Setyembre para idokumento ang nasabing challenge. 

Pero bakit nga kaya ilang araw nang absent at walang upload ang nasabing Team Payaman founder?

Top priority: Kidlat 

Pansamantalang isinangtabi ni Cong TV ang kanyang daily vlogs upang alagaan ang kanyang panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Nagkasakit kasi ang isang taong gulang na anak nila ng fiance si Viy Cortez at kinailangan itong dalhin sa ospital upang magpagaling. 

Pero wala namang dapat ipagalala ang mga taga suporta nina Cong at Viy dahil hindi naging malubha ang sakit ni Kidlat at patuloy na nagpapalakas. 

Katunayan, sa isang Instagram Story update, ibinahagi ni Viy na masigla at maliksi na ulit ang kanilang unico hijo at pauwi na sila mula sa ospital. 

Team Payaman Fitness Challenge

Sa kabila ng pansamantalang pagkawala ni Cong TV sa Congpound ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-eehersisyo ng Team Payaman members na kalahok sa nasabing fitness challenge. 

Maging ang mga nauna nang matanggal sa hamon na sina Carding Magsino at Kevin Hermosada ay makikitang puspusan pa rin ang workout sa Congpound Gym. 

Tuloy-tuloy din naman ang pagda-diet ni Yow Andrada sa tulong ng pagkain ng mga healthy meals mula sa dietmeals.ph

Ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez naman ay dinaan sa TikTok dance ang work out. Habang nagsilbing bonding nina Mr. and Mrs. Kevin at Abigail Hermosada ang pag-eehersisyo sa gym ng magkasama. 

Sino kaya ang tatanghaling kampeon, nagkaroon ng “quality transformation,” at mag-uuwi ng tumataginting na 1 million pesos mula sa Team Payaman? ABANGAN!

Likes:
0 0
Views:
11538
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

All Comments

  • good luck sa mananalo lahat naman deserve manalo peromeron talaga isa big winner ☺️at magkakamit ng 1M na malaking bagay talaga,but pinaka dabest din n Price is yong health dahil sa patimpalak na toh na ging pursigido ang team payaman maging maayos ang kanilang pangangatawan at naging aware na sila sa mga kinakain nila nag karoon sila ngdisiplina as a sarili pang kalusungan Good job la talaga Cong

    d man makakamit ng 1M ang iba
    pero nakamit nila ang habang buhay na maayos at malusong na pangangatawan at eto ay di mapapatayan ng ano mang halaga

    ps. for sir Cong pwe po ba pa birthday greetings po ng anak ko
    si johnfred dela torre
    eto lang mo ang maeregalo ko sa kanya subrang idolo ka po talaga nya, failed na po ksi yong surprised dapat na bilhan ko ng tiket ,mas priority po mona mga need nila sa school,lolo na sya napakagastos sa college 😔
    Sana po matungonan o mapansinyo po Plssssssss

    Salamat po

    Gina A dela torre September 27, 2023 8:27 pm Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *