Hinamon ng legendary YouTube vlogger na si Cong TV ang buong Team Payaman sa isang fitness transformation sa loob ng isang buwan.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Lincoln Velasquez ang hamon sa mga kaibigan at kapwa vlogger para magkaroon ng mas malusog at magandang pangangatawan.
Bago tuluyang ibaba ang kanyang hamon, tinanong muna ni Cong TV ang kanyang mga kasamahan kung anu-ano ba ang paboritong pagkain ng mga ito.
Adobong Kangkong, Biryani, Lumpiang Shanghai, Adobong Baboy, Tortang Talong, Maling, Pork BBQ, Adobong Paa ng Manok. Ilan lang yan sa mga inihain ni Cong TV sa tradisyunal na boodle fight para sa grupo.
Nang patapos na silang kumain, inamin na ng 31-anyos na vlogger ang tunay na dahilan ng biglaang salo-salo kahit walang okasyon.
“Mula September 1 hanggang September 30, araw-araw ‘to! Daily vlogs ‘to!” bungad ni Cong.
“Kung sino ang may pinaka-quality transformation ang mananalo ng one million pesos!” dagdag pa nito na nagpasigaw sa TP Wild Dogs.
Pero hindi lang ito basta-basta hamon, dahil siya mismo ang makakalaban ng buong Team Payaman para sa fitness challenge na ito.
“Ako versus all of you guys. Para di ako maglabas (ng pera) kailangan talunin ko kayo.”
Paliwanag ni Cong TV, nagsimula ang pagnanais nitong magkaroon ng mas magandang pangangatawan ang Team Payaman nang may mabasa itong kumento tungkol sa kanilang timbang.
“Kasi may nagsasabi sa’tin sa internet, sa huling mga vlog ko na parang ‘try nyo kayang mag-gym, ang tataba nyo na.’ Nasaktan ako,” pag amin ni Cong.
Samantala, ikinatuwa naman ng netizens ang bagong hamon para sa buong Team Payaman.
@rosejoyroco8919: “Lezzgooo team payaman boys!!! Waiting sa major transformation ng bawat isa sainyo.”
@nozra936: “okayyyy now my inspiration na ako kahit di ako kasali sa competition, sasabay ako sa challenge mo idol Cong TV at ng buong teampayamann lets gooooooo!”
@rensanity12: “Iba ka talaga Boss Cong. May bago ka na namang pakulo. Can’t wait for the greatest transformation ng team Payaman.”
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.