Take a Peek at Yiv Cortez’s First Day as College Freshie

Dahil back to school na, hindi rin papahuli ang Team Payaman Next Gen Sweetheart na si Yiv Cortez sa pagbabahagi ng kanyang unang araw bilang isang kolehiyala.

Isinama ni Yiv ang kanyang mga tagapanood mula sa paghahanda hanggang sa pagpasok nito sa kanyang bagong eskwelahan.

The Preparations

Sa kanyang bagong vlog, unang ipinasilip ni Yiv ang naging paghahanda para sa kanyang college life sa bago nitong eskwelahan sa Alabang. 

Isang araw bago tuluyang pumasok, sinamahan ito ng kanyang tatay na si Rolando Cortez sa pagbili ng mga gamit na kakailanganin n’ya sa pag-aaral.

“Thanks papa for coming with me!” pasasalamat ni Yiv.

Hindi naman itinanggi ng bunsong kapatid ni Viy Cortez na labis ang kaba nito dahil kaakibat ng pagiging irregular student ay ang hirap ng pagkakaroon ng permanenteng mga kaibigan.

“Paano kaya ako mabubuhay ‘don kasi iba-iba ang makakasalamuha kong tao. Paano ako magkakaroon ng permanent group of friends?” pangamba n’ya.

Agad din namang lumakas ang loob ni Yiv nang pinaalalahanan nito ang kanyang sarili na maging idependent.

First Day of School

Kinabukasan, pinabaunan si Yiv ng kanyang mga magulang ng isang matamis na “good luck” para sa unang araw sa kanyang bagong eskwelahan.

“Good luck for the first day in San Beda College!” pagbati ng kanyang ama.

Matapos ang kanyang unang subject, agad naman itong dumiretso sa Congpound upang magpalipas ng oras bago ang kanyang susunod na subject.

“First day ni Yiv ngayon sa school at every break time niya, nandito s’ya sa bahay,” ani ng kanyang ate Viy.

Biro pa nito: “Sa una lang ‘yan! Sa mga susunod sa bilyaran na ang hanap!”

Bilang pampalipas oras, minabuti muna ni Yiv na makipaglaro sa pamangkin nitong si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

Pagsapit ng ala-una ng hapon, bumalik ni Yiv sa kanyang eskwelahan para sa kanyang susunod na subject.

Pagkatapos ang kanyang unang araw sa eskwelahan, napagtanto nito na hindi naging madali ang pakikipag-kapwa lalo na’t isa s’yang irregular student.

Ngunit malaki naman ang pasasalamat nito dahil hindi nawala ang presensya ng kanyang kapwa Team Payaman members na sina Kevin Hufana, Mau Anlacan, at Geng Geng na nag-aaral din sa nasabing unibersidad.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1486
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *