Isang bagong lady rider na naman ang tinamaan ng epidemya ng pagmomotorsiklo sa grupo ng Team Payaman.
Samahan si Clouie Dims sa kanyang pag-eensayo at paghahanda sa pagsunod sa yapak ng kanyang kapwa Team Payaman girls bilang isang ganap na Lady Rider.
Non-Stop Training
Sa bagong vlog ni Clouie Dims, ibinahagi nito ang kanyang mga naging paghahanda para maging ganap na Lady Rider #18.
Una na itong tinulungan ng kaibigan na si Viy Cortez, a.k.a Lady Rider Greenie Warrior #14, sa paghahanap ng safety gears.
Nilinaw naman ni Viviys na wala siyang ibang intensyon kundi ang tulungan ang kaibigan na matuto na magmotorsiklo. Kinumpirma rin naman ni Clouie na sarili niyang desisyon ang pagsubok sa bagong kinagigiliwan ng Team Payaman.
At syempre, naging hands-on coach din ang nobyo nitong si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa pagtuturo sa kanya ng basic driving skills.
“Ang ine-establish namin kay Clouie is yung balance and yung pag-control n’ya sa clutch, at nakuha n’ya na!” pagbabahagi ni Dudut.
First Track Experience
Matapos ang ilang pag-iikot sa subdivision, sumabak na rin sa propesyonal na pag-eensayo si Clouie kasama ang iba pang Team Payaman members.
Paliwanag ni Clouie, isa sa mga rason kung bakit niya naisipang mag-motorsiklo dahil isa ito sa kanyang “bucket list” o mga bagay na nais na masubukan.
“Ang mga bucket list ko sa buhay ay go out of your comfort zone!” aniya.
Kasama nito ang mga kaibigang sina Vien Iligan-Velasquez at Viy Cortez sa pag-alalay sa kanya habang nagmamaneho.
Napagtagumpayan naman ni Clouie ang kanyang unang araw sa pagsabak sa track ng Clark International Speedway.
“Sobrang na-enjoy ko! Bago kasi ‘to eh, bago ‘to sa akin. Bago ‘to sa life ko. Worth it! Worth it matuto!” dagdag pa nito.
Watch the full vlog below: