Dudut’s Kitchen Presents Chicken Inasal ala Cong TV

Para sa ika-anim ng episode ng “Dudut’s Kitchen” sa YouTube channel ni Jaime de Marino, a.k.a Dudut Lang, nagluto ito ng special recipe ng Chicken Inasal. 

Gaya ng mga naunang episode, tampok sa Dudut’s Kitchen ang espesyal na bisita na makakasama nito sa pagluluto. Napili ni Dudut makasama ang batikang vlogger at kaibigan na si Cong TV dahil paborito aniya nito ang Chicken Inasal. 

Chicken Inasal ala Cong TV

Para sa espesyal na episode ng Dudut’s Kitchen, imbes na sa kusina ay sa labas ng Congpound nag set-up ng lutuan si Dudut. 

Ayon sa vlogger at food-enthusiast, Chicken Inasal ang kanilang lulutuin dahil isa ito sa mga paboritong pagkain ni Cong TV. 

“Kung meron top 5 si Cong na pagkain, sure ako kasama don yung Inasal,” ani Dudut Lang. 

“Bakit naging favorite ni Cong yung inasal kasi nung nagda-diet kami, go-to (food) namin yung Inasal dahil masarap at medyo low in fat, tatanggalin lang yung balat,” dagdag pa nito. 

Para simulan ang kanilang pagluluto, ihiniwalay nila ang balat ng manok upang gawing chicken oil. At saka ibinabad ang mga manok sa pinaghalo-halong suka, patis, seasoning, paminta, asin, bawang, sibuyas, tanglad, dahon ng sibuyas, at luya. 

Habang nasa kalagitnaan ng pagluluto ay hindi mawawala ang kwentuhan ng magkaibigan. Dito na tinanong ni Cong kung bakit at papaano nahilig sa pagluluto si Dudut.

“Alam mo kung bakit ako na-inspire magluto? May napanood akong video eh, si Cong TV nasa kusina nagluluto,” biro ni Dudut.

Habang naka-marinate ang mga manok ay sinimulan naman ng dalawa ang paggawa ng chicken oil. Dito na rin ibinihagi ni Dudut ang sikreto sa paggawa ng masarap na chicken oil. 

“Itong balat para mag gawa siya ng sarili niyang mantika, habang mainit pa (yung kawali) ilagay mo na.”

“Sa unang mga minuto ang nire-release nito tubig at moisture, pag naubos na yung moisture at water weight, ang lalabas na fats na, so lalabas yung oil niya.”

Matapos mailabas ang natural na mantika ng balat ng manok, saka ito hinaluan ni Dudut ng mga pampalasa gaya ng Dahon ng Laurel at iba pa. 

Matapos ihawin ang ang mga manok ay ipinatikim na ito sa mga kasamahan upang mahushagan ang Chicken Inasal ala Cong TV x Dudut Lang. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
511
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *