Netizens Applaud Viy Cortez’s Stunning Aura; Achieve With This Product

Bukod sa kanyang weight loss transformation, isa din sa hinahangaan ng netizens ay ang ultimate glow up ng YouTube vlogger na si Viy Cortez matapos nitong manganak noong nakaraang taon.

Inulan ng mga positibong komento ang VIYLine CEO dahil sa kanyang awra sa naganap na TikTok live launching ng mga bagong produkto ng VIYLine Cosmetics.

BarVIY Girl

Sa kanyang bagong Facebook post, ibinida ni Viy Cortez ang ilang mga larawan bago ang opisyal na launching ng mga bagong VIYLine Cosmetics products.

Ibinahagi nito na isa sa mga nagpabongga ng kanyang glow-up look ay ang blonde hair extensions mula sa Iconic Star Hair Extensions.

Dahil sa mga larawang ito, binansagang “Barbie Girl” si Viy ng netizens dahil sa angking ganda ng 27-anyos na entrepreneur. 

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi rin ni Viy Cortez ang sikreto sa likod ng kanyang glow up. Sa top-trending vlog na “Blackie,” ibinida nito na kasama niya ang Lumi Capsule sa kanyang glow up journey.

“Ang Lumi [capsules] ay hindi lang pampaputi, napo-protektahan din nito ang balat ko from UV sun rays! Mayroon din itong anti-oxidants, maiiwasan ko na ang magka-wrinkles dahil lagi ako nakabilad sa araw!”

Inirerekomenda ni Viviys ang paggamit ng Lumi lalo na sa mga madalas ay nabibilad sa ilalim ng araw upang mapanatili ang maganda at makinis na balat. 

Netizens’ Reactions

Dahil kapansin-pansin na glow ni Viy Cortez, hindi napigilan ng netizens na batiin ito sa kanyang blooming na aura.

Ruth Jalotjot: “Ang ganda mo na lalo!”

Chelsi Alzate Galvero: “Ganda grabe!”

Von Sky: “Bat parang barbie na? Sana all!”

Osairac Ai Parktaewoo: “How to VIY you po?” 

Pinuri rin ng live viewers ni Viy Cortez ang kanyang fresh and young aura nang maglive ito sa kanyang TikTok account para sa launching ng mga bagong produkto ng VIYLine Cosmetics.

Kapansin-pansin ang kakaibang gandang hatid ng pinakabagong VIYLine Cosmetics Lip Glaze sa shade na “Mayumi.”

@eylaaabs: “Ganda mo! @viycortez”

@msma_riel: “Ganda mo, Miss Viy!”

@pineapplephine: “Apakaganda mo ate Viy huhu”

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

17 hours ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

This website uses cookies.