Cooking Vlog: Abigail Hermosada Cooks Another Mouthwatering Pinoy Snack for Team Payaman

Panibagong cooking vlog ang hatid sa atin ng resident baker ng Team Payaman na si Abigail Campañano-Hermosada

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng misis ni Kevin Hermosada ang pagluluto nito ng isang all-time favorite Pinoy merienda, ang Ginataang Bilo-Bilo. 

Perfect merienda

Matapos ipamalas ang kanyang galing sa pagbe-bake ng Cheesy Donut at Pandesal, ibang merienda naman ang inihanda ngayon ng TiBabi’s Kitchen owner at baker sa Congpound.  

Dahil sa maulan na panahon noong mga nakaraang linggo, naisipan ni Abi na magluto ng merienda’ng swak sa tag-ulan.

“Kasi guys tignan niyo naman yung panahon sobrang gloomy, tapos maulan, tapos malamig. Parang ang sarap ng gata,” ani Abi. 

Bukod sa lagay ng panahon ay matagal na rin daw natatakam si Abi na kumain ng Ginataang Bilo-Bilo. To the rescue naman agad ang kanyang mister at sinuportahan siya sa kanyang trip. 

Agad namalengke ang dalawa upang bumili ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Kabilang sa kanilang pinamili para sa Ginataang Bilo-Bilo ay ang gata, glutinous rice flour, saging na saba, langka, asukal, kamote, at sago.

Pag uwi ng bahay, sinimulan na ni Abi ang pagluluto sa tulong ni Kevin at ng mga kaibigang sina Clouie Dims at Aki Anggulo

Taste Test

Matapos ang misyon ni Abi, inamin ni Kevin Hermosada na hindi siya mahilig sa Ginataang Bilo-Bilo, ngunit pasado pa rin syempre ang luto ng kanyang misis. 

“Masarap daw sabi ng asawa ko!” 

Kanya kanyang tikim din ang kanilang mga kasamahan sa Content Creator House na tila speechless na naman sa sarap ng luto ni Abi.

At gaya ng nakagawian, namigay din si Abi ng kanyang pa-merienda sa mga kapitbahay sa Congpound. 

“Wow! Pwede nang mag-anak! Thank you so much, mga generous na kapitbahay!” ani Vien Iligan-Velasquez. 

“Wow! Ay bongga, ikaw nagluto sis? Thank you so much!” ani Viy Cortez. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

23 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.