Bukod sa vlogging at pagmomotorsiklo, nadiskubre ng Team Payaman Moto Club ang iba pang talento ni Carlos Magnata, a.k.a. Bok, at ito ay ang pagmamasahe.
Isa-isang pinatunayan ng TP Moto Club members ang kakaibang hagod na taglay ng kamay ni Bok sa kanilang nagdaang Tuguegarao Trip.
Sa bagong vlog ni Bok, ipinasilip nito ang pagkakataong makapagpahinga matapos ang mahabang oras na biyahe patungong North Luzon.
Ito ang isa sa mga pagkakataong nagmaneho ang Team Payaman ng halos sampung oras para sa kanilang gig sa Tuguegarao City.
“Sobrang lupit ng ride na ‘to! Tuguegarao, the best! Ganda ng view, ganda ng hotel!” ani Bok.
Sama-samang tumambay at nagtampisaw ang mga miyembro ng Team Payaman at Y Kulba sa isang kilalang ilog sa Tuguegarao.
Mainit man ang panahon, hindi nito napigilan si Bok na mag-enjoy at magtampisaw sa napaka linaw na tubig ng ilog ng Tuguegarao.
Matapos lumangoy, bumalik na si Bok sa kanilang tambayan upang kumain kasama ang Team Payaman.
Habang naghihintay sa pagkain, naisipan ni Bok na hilutin ang likod ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, dahil masakit daw ang katawan nito dulot ng kanilang mahabang biyahe.
Binasagan ni Bok ang kanyang sarili bilang “Hilot Master” dahil sa angking galing sa pagmamasahe sa kanyang mga kasamahan.
“Ang sarap, Bok! Bok ‘wag ka nang mag-vlog, masaihin mo na lang ako!” biro ni Burong.
Sagot naman ni Bok: “Boss saan tayo? Saan tayo ruruta?”
Sunod na sumalang si Yow Andrada, na hindi rin napigilang mapasigaw nang matumbok ni Bok ang kanyang mga lamig sa katawan.
At syempre, hindi rin pinalampas ng Velasquez Brothers ang masubukan ang mahiwagang hilot ni Bok.
“Ang sarap magmasahe ni Bok pre!” reaksyon ni Junnie Boy.
Ayon naman kay Cong TV: “Panalo, panalo!”
Biro ni Bok, bukas ito sa mga interesadong magpamasahe sa kanya, magpadala lang aniya ng mensahe sa kanyang Facebook page.
Watch the full vlog below:
Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
This website uses cookies.