Dudut Lang Rewards Video Editor With a Well-Deserved iPhone!

“Good things come to those who persevere.” Iyan ang pinatunayan ng Team Payaman Content Creator na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang.

Isang malaking regalo kasi ang naghihintay para sa kanyang video editor na si Cyrill Factor bilang pagtanaw ng utang na loob sa dedikasyon nitong tulungan si Dudut sa kanyang vlogging career.

iPhone Hunting

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Dudut ang kanyang mga manonood sa pagbili ng bagong cellphone. Sa tulong ng MobileCartPH, naisakatuparan ang pagbili ng bagong iPhone sa kabila ng  masungit na panahon.

“Boss, maraming salamat kahit umuulan [dineliver mo pa rin],” pasasalamat ni Dudut sa rider.

Sagot naman ni Kuya Henry: “Ganyan kalupit sa Mobile Cart!”

Let The Surprise Begin!

Dahil mayroong bagong cellphone si Dudut, naisipan nitong ibigay sa kanyang video editor na si Cyrill ang kanyang “used but not abused” iPhone 12 upang mapakinabangan pa nito.

“Kanino mo ibibigay ‘yung isang iPhone?” tanong ni Steve Wijayawickrama.

Sagot naman ni Kevin Hermosad: “Dapat kung sino deserving d’yan!” 

Walang pag-dadalawang isip na binigay ni Dudut ang kanyang lumang telepono kay Cy. 

“Ibibigay ko ‘tong cellphone na ‘to sa nararapat na tao. Ibibigay ko ‘to kay…” ani Dudut.

Laking tuwa ni Cy nang iabot sa kanya ni Dudut ang nasabing telepono habang siya ay nasa gitna ng pagkuha ng video.

Hindi matawaran ang reaksyon nito ng malaman na s’ya ang tagapagmana ng cellphone ni Dudut.

“Sakin talaga ‘yun? Hindi kaltas sa sahod ‘yun?” pabirong tanong ng masipag na editor.

“Hindi, regalo ko na sa’yo ‘yun!” sagot naman ni Dudut.

Netizens’ Reaction

Maraming mga taga-suporta ang natuwa sa munting regalo na handog ni Dudut sa kanyang editor.

Bukod rito, marami ring nakapansin sa entertaining chemistry ng dalawa, dahilan upang humiling ang mga ito na makita pa si Cy sa ibang vlogs ni Dudut.

@xyzmcv997: “Magkasing level ng humor at energy si Dudut tsaka Cy haha. Sana magkaroon sila ng content haha”

@mr.kenthbbello6569: “Vlogger at editor parehas malakas tama. Ang sarap manood ng mga ganito na vlog. Whooo! Dudut Lang talaga!”

@marjoriecamcam6776: “Nice one! Galing din na editor ni Cy! More exposure pa sana para mas lalo namin s’ya makilala!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

5 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.