Get a Glimpse of Cong TV and Viy Cortez’s Japan Prenup Photoshoot

Para sa ikalawang yugto ng Japan travel series ng nag-iisang Cong TV, masayang ibinahagi nito ang ilang sa mga kaganapan sa likod ng prenup shoot nila ng fiance na si Viy Cortez

Matapos mamasyal sa Osaka, dumiretso naman si Cong, Viy, at Kidlat sa Tokyo para sa pinaka-aabangang pre-wedding photoshoot ng YouTube power couple. 

Prenup in Japan

Unang nagtungo ang buong team sa world-famous Tokyo Disneyland na patok sa bata at matanda. 

Kasama ng CongTViy couple ang grupo nina Bob Nicolas, Nice Print Photography, at ang beteranang makeup artist na si Mariah Santos upang isakatuparan ang kanilang dream Japan prenup photoshoot

Para sa kanilang unang tema, inilabas nina Cong at Viy ang kanilang “child-like” attitude at talaga namang nag-enjoy sa Disneyland. Nakisayaw pa ang mga ito sa Disneyland parade dancers. 

Kinabukasan, nag transform naman ang soon-to-wed couple bilang Japanese students suot ang kanilang classic uniform. 

“Kung estudyante kami ni Viy, si Viy kumbaga sa ano para siyang first year college. Tapos ako sampung taon na sa college,” biro ni Cong TV.

Animo’y nasa isang Japanese drama ang dalawa sa mga kinuhaan nilang eksena na mas lalo pang gumanda dahil sa ganda ng tanawin sa nasabing bansa. 

“Uy, pang pelikula!” reaksyon ni Cong TV matapos silipin ang kanilang kissing-scene. 

Habang nasa gitna ng photoshoot, hindi rin maiwasan ng dalawa na magbalik tanaw sa kanilang relasyon. 

“Kung nakita mo yung mukha ko, tapos hindi ako nagva-vlog, tingin mo magugustuhan mo ko?” tanong ni Cong. 

“Syempre hindi!” pabirong sagot ni Viy. 

Team Payaman Moto Club in Japan?

Samantala, dahil sa kagustuhang makapag motor pa rin sa ibang bansa, sinikap ni Cong TV na makakuha ng lisensya para makapag maneho ng motorsiklo sa Japan. 

Namili rin ito ng ilang motorcycle gears na masusuot niya sa oras na magrenta ito ng motorsiklo sa paglibot sa Japan. 

Pero kahit kumpleto na ang kanyang mga gamit, tila nangungulila pa rin ang Team Payaman Moto Club Chairman sa kanyang mga kasamahan. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

3 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 days ago

This website uses cookies.