Daddy Keng on Duty: Pat Gaspar Shows First Week With Baby Isla

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang kanilang bagong buhay bilang mga magulang ni Baby Isla Patriel. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Mommy Pat ang kanilang naging routine sa loob ng isang linggo simula nang ipanganak si Baby Isla. 

Sa unang pagkakataon din ay nagkasama sama ang mga chikiting sa Congpound. 

Daddy Keng on Duty

Super hands on daddy ang peg ngayon ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng bilang pag-alalay sa kanyang misis. 

Kwento ni Mrs. Gaspar, sinisikap ni Daddy Keng na gumising ng maaga para siya mismo ang magpapaaraw kay Baby Isla. 

Bagamat may trabaho si Boss Keng ay pinilit muna nitong samahan ang anak sa kanyang unang pagkakataon na makapagpaaraw sa Congpound. 

“Natuwa naman ako sa’yo love kasi may kusa talaga ‘to. Tsaka ayaw niyang umalis pag meron siyang shoot, meron silang event, halos ayaw niyang umalis,” ani Mommy Pat. 

Dagdag pa nito na sa loob ng isang linggo ay tila nakabisado na ni Boss Keng ang pag-aasikaso sa kanilang unico hijo. 

“Parang na-master na ni BK yung pag papalit ng diaper, paglilinis ng pwet, ng pupu, ihi, at pagpapalit ng damit. Good job, daddy!” 

Velasquez Cousins

Samantala, sa unang pagkakataon naman ay nagsama-sama ang mga chikiting sa Congpound upang bisitahin si Baby Isla. 

Sa tulong ng kanilang Lolo Val at Lola Jo ay dinalaw nina Kuya Mavi, Kidlat, at Viela ang kanilang nakababatang pinsan. 

“Ang sarap naman, ang daming babies naman!” ani Pat. 

Tila curious na curious naman ang panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez sa mga ginagawa ng sanggol. Sinamahan din nito ang kanyang Tita Pat sa pagbabantay kay Isla. 

“Bakit happy siya sa’kin? Tita Pat, ano yung nasa pusod n’ya?” tanong ni Mavi. 

“Tita Pat, anong sinasabi nya? Bakit may ganito siya?” dagdag pa nito.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.