Team Payaman’s Pat and Keng Show Glimpse of Life With Newborn Son Isla

Matapos ang ligtas na panganganak ni Pat Velasquez-Gaspar sa unico hijo nitong si Baby Isla Patriel ay masaya nila itong inuwi sa Congpound. 

Sa kani-kanilang bagong vlog, ipinasilip ng mag-asawang Pat at Boss Keng ang kanilang bagong buhay kasama ang panganay na anak. 

TP Welcomes Isla!

Hindi pa man tuluyang nakakauwi sa Congpound ay binisita na ng kanyang mga Tito at Tita si Baby Isla.

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Pat ang unang pagkakataon na masilayan ng mga kaibigan ang pinakabagong Team Payaman baby.

Unang bumisita ang kanyang Tito Junnie at Tita Vien kasama sina Tita Venice, Tito Kevin, at Tita Clouie na kinumusta ang kalagayan ng bagong mommy. 

“First and last baby na namin ‘to!” biro ni Pat kay Vien.

Sobrang sakit. Talagang ito ang pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko,” dagdag pa nito.

Biro naman ni Kevin Hufan: “At least tirik pa rin ang lashes mo!”

Samantala, kanya kanyang husga naman ang mga tito at tita kung sino nga ba ang tunay na kamukha ni Isla.

“Halo ang ilong! May Pat na Keng,” komento ni Tiyang Venice.

Syempre, hindi rin nagpahuli sina Tito Cocon at Tita Viviys sa pagbisita kay Baby Isla at Mommy Pat.

“Ang bilis ng pangyayari, parang kailan lang nasa tiyan [si Isla],” ani Viy Cortez.

Dagdag pa nito: “Nakakatuwa, ang dami ng bata sa bahay!”

Welcome Home, Isla!

Ilang araw pa ay umuwi na ang pamilya Velasquez-Gaspar sa kanilang munting tahanan, at masaya namang sinalubong ng Team Payaman si Baby Isla. 

“Ito na ang simula ng kalbaryo ni Boss Keng” biro ni Pat.

Pagdating sa Congpound ay sinalubong ito ng kanyang mga Tito at Tita pati na rin ang mga pinsan na sina Mavi, Kidlat, at Viela. 

“Thank you sa inyo!” ani Mommy Pat.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

19 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.