Tapos na ang paghihintay ng mga solid Viy Cortez supporters dahil hatid ngayon ni Viviys ang bagong vlog sa kaarawan ng anak nitong si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat!
Alamin ang mga kaganapan sa likod ng pinakabonggang birthday celebration ng unico hijo ng tinaguriang YouTube power couple.
Isang araw bago ang kaarawan ng Team Payaman baby na si Kidlat, sinama na ni Viy Cortez ang kanyang mga manonood sa kanilang paghahanda para rito.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Viy ang mga kaganapan sa kanilang inihandang birthday salubong para kay Kidlat.
Nanatili ang pamilya Cortez-Velasquez sa Grand Hyatt Hotel sa City of Dreams Manila, kung saan din ginanap ang birthday party ni Kidlat.
11:45 na ng gabi nang dumating si Daddy Cong na galing pa sa kanilang gig sa Tuguegarao City, saktong sakto para salubunging ang kaarawan ng kanilang panganay.
Sabay na ginising nina Mommy Viy at Daddy Cong si Kidlat upang kantahan ito ng Happy Birthday song.
Kinabukasan ay game na game na nag-transform sa kanilang costume sina Cong, Viy, at Kidlat suot ang kanilang “How to Train Your Dragon” inspired outfits.
“Medyo overdressed kami pero para sa anak namin, gagawin namin ang lahat!” ani Mommy Viy.
Tuwang tuwa naman ang dalawa sa init ng pagtanggap ng mga bisita hindi lang sa kanila, kundi lalo na sa birthday boy.
Nakiisa ang pamilya Cortez-Velasquez sa mga stage performances gaya ng character appearances mula sa DreamPlay, mga palaro, at syempre ang paghipan ng birthday cake ni Kidlat.
Isa-isa ring nilapitan ng pamilya ang kanilang mga bisita upang personal na mapasalamatan ang mga ito.
Labis din ang naging pasasalamat ng dalawa sa mga dumalo at mga naging parte ng paghahanda ng unang kaarawan ng kanilang anak.
Watch the full vlog below:
Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…
Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…
This website uses cookies.