Dudut Lang Attempts Daily Vlogging by Introducing New Vlog Segment

Namiss n’yo ba ang daily vlogs ng Team Payaman? Kung matatandaan, lalong nakilala ang sikat na vlogger group ng bansa sa kanilang daily vlog upload noong 2020.

Ngayong taon, mapanindigan kaya ng Team Payaman member na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang bago nitong pasabog sa kanyang vlog?

Daily Vlog Attempt

Sa kagustuhang masubukang mag-upload ng kanyang mga vlogs araw-araw, isang bagong segment ang ipinakilala ni Dudut sa kanyang mga manonood sa kanyang bagong vlog.

“Nagsisimula na kasi ako mag daily vlogs eh! Ang naiisip kong konsepto ng daily vlogs ko isang araw, isang tao dito sa Team Payaman,” bungad nito.

Unang naging guest ni Dudut sa kanyang bagong segment ang kaibigan nitong si Aaron Macacua, a.k.a Burong.

“Kasi napapansin ko parang gusto ng tao [ng daily vlogs] kasi wala silang napapanood simula nung nagmotor tayo parang [sabi nila] ‘ay tumigil na sila magvlog!’” paliwanag ni Dudut.

Biro naman ni Burong: “Si Cocon lang naman tumigil mag-upload eh!”

Ayon kay Dudut, nais nitong gawing eksplosibo at ekslusibo ang kanyang bagong vlog segment kung kaya pinangalanan n’ya itong “Ekslusibong Eksplosibong Embutidong Eksposey.”

Dagdag pa nito, ang pinagkaiba niya sa King of Talk na si Boy Abunda ay ang pagsama nito sa kanyang guest saan man ito pumunta.

Kaya naman agad din itong sumama sa lakad ni Burong at sumali sa mga aktibidad na isinagawa nito at ng fiancé nitong si Aki Angulo.

A Day With Burong

Dali-dali itong sumakay sa sasakyan ni Burong upang sumama sa kanyang lakad kasama si Aki at ilang mga kaibigan nito.

“Boss personal na ‘to boss. Part ng show ‘to boss?” pabirong usisa ni Burong.

Ipinaliwanag naman ni Dudut na parte ng kanyang bagong segment ang pagsama sa buong araw ng kanyang napiling guest.

Pagkatapos bumyahe ay dumeretso na ang mga ito sa kanilang kakainan kasama ang mga ka-opisina ni Aki.

Sinamahan din nito ang dalawa sa kanilang window shopping, at hindi rin nito pinalampas ang kakulitan ni Burong na subukang gayahin ang hairdo ng singer-songwriter na si Taylor Swift na idol ng kanyang fiancé.

Matapos ang kanilang pamamasyal, hindi rin pinalampas ni Dudut na malaman ang naging karanasan ng kanyang guest sa kanilang pilot episode.

“Sir, i-rate n’yo lang kung kamusta ang naging experience n’yo with Dudut…” tanong nito.

Pabirong sagot naman ni Burong: “Masaya naman, Sir! Siguro out of 10, mga 2!” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

19 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

1 day ago

Dress Selections That Shouldn’t Leave Your Closet According to Viy Cortez-Velasquez

Aside from her fierce makeup looks, Viy Cortez-Velasquez’s followers adore how she elevates her looks…

1 day ago

Boss Keng Explores Ocean Park in Hong Kong with Team Payaman

Isang masayang adventure ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng matapos nilang…

2 days ago

Viyline Kicks Off Weekly ‘Friday PAAWER Deals’ TikTok Live Featuring the Cortez Sisters

Viyline is set to kick off a new weekly digital shopping series—“Friday PAAWER Deals,” a…

2 days ago

Netizens Applaud Aaron Oribe’s Story of Determination and Inspiration

Isang kwento ng pagsusumikap ang handog ni Aaron Oribe sa mga manonood. Taglayin ang inspirasyong…

2 days ago

This website uses cookies.