Did Cong TV Really Commit Traffic Violation While Moto Vlogging?

Simula nang mahilig sa pagmomotorsiklo ay madalas nang isinasama ni Cong TV ang kanyang mga manonood sa iba’t-ibang ride kasama ang Team Payaman Moto Club.

Pero sa kauna-unahang pagkakataon, tila isang aberya ang ipinasilip ng 31-anyos na vlogger sa kanyang higit 11.2 million YouTube subscribers. 

Bataan loop

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Cong TV ang naganap na Bataan ride ng TP Moto Club kasama ang isa pang riding group na Y Kulba

“Ngayong araw na ‘to ay gagawin namin ang Bataan loop!” bungad ni Lincoln Velasquez. 

Bago pa tuluyang makalayo ay positibo na si Cong na magiging masaya ang kanilang ride, kaya naman sige ang bati ng “Good Morning” sa mga nakakasalubong nito sa daan.

“Ang ganda ng umaga basta may ride! Parang ang sarap lahat batiin ng good morning!” 

Huli pero ‘di kulong!

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang masayang ride, isang hindi inaasahang eksena ang naganap sa express way. 

Matapos makalampas sa isang toll gate, natanaw ni Cong TV na tila pinapara siya ng isang highway patrol officer. 

“Sa mga hindi nakakaalam, may tinatawag na overspeeding violation na kung saan sa Skyway mayroong part dito na dapat 60 kilometers per hour lang ang takbo mo,” paliwanag ng batikang vlogger. 

“At ang paraan para mahuli ka kung lalagpas ka (sa speed limit) ay ma-picture-an ka sa daan gamit nito (camera). At kapag na-picture-an ka, sure pagtapos noon ay haharangin ka sa exit ng enforcer na may hawak na cellphone para i-verify ang dala mong kotse o motor,” dagdag pa nito. 

Kaya naman ang labis ang kaba ni Cong TV nang kinawayan siya ng isang enforcer paglagpas nito sa tollgate. 

Ngunit imbes hulihin ay isa palang solid Team Payaman fan ang enforcer na nais lang magpa-selfie sa sikat na content creator. 

“Kala ko huli na! Selfie lang pala!” ani Cong TV. 

Ngunit hindi lang ito ang unang pagkakataon na ninerbyos si Cong sa mga nakakasabay na enforcer sa daan. Mayroon ding pagkatataon na tila hinahabol ito ng highway patrol group habang nasa gitna ng NLEX. 

Pagdating sa stop over ay agad ding nagpa selfie ang mga opisyal sa pinuno ng Team Payaman. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
652
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *