Boss Keng Dares TP Moto Club Members to a ‘Gold Wing Center Stand Challenge’

Muling nagbabalik ang “Hari ng Parlor Games” ng Team Payaman na si Boss Keng sa kanyang panibagong hamon para sa bawat miyembro ng Team Payaman Moto Club at Y Kulba. 

Isang “Gold Wing Center Stand Challenge” ang hatid ngayon ni Boss Keng kung saan level up din ang kanyang pa-premyo. Imbes na cash ay Php 5,000-worth RFID load ang naghihintay sa mananalo sa kanyang palaro.

Gold Wing Center Stand Challenge

Sa bagong vlog ni Boss Keng, ibinahagi nito ang masayang karanasan ng grupo matapos ang ride patungo sa Bataan.

Dahil may bagong mga kasama, hindi pinalampas ni Boss Keng ang pagkakataon na magpalaro. 

“Sino gusto RFID? Sino gusto RFID?” paghikayat nito sa kanyang mga kasama.

Agad din itong lumapit kay Cong TV upang hiramin ang Honda Gold Wing nito para sa kanyang naiisip na challenge.

Ang panuto ng palaro ay simple lang, pabilisang maitayo ang nasabing motorsiklo gamit ang center stand nito, at ang may pinakamabilis na oras ang tatanghaling panalo.

Unang sumabak si Aaron Macacua, a.k.a Burong, na inabot ng 24-seconds bago mai-center stand ang motor ni Cong TV. 

Sunod na kumasa si Junnie Boy na hirap na hirap din bago tuluyang mapatayo ang napakabigat na Gold Wing ng kanyang Kuya Cocon at umabot ng 40 seconds.

Agad din namang nasira ang record ni Burong ng kanilang kasamahan sa Y-Kulba na naitayo ang Gold Wing sa loob lang ng walong segundo.

Matapos ang fastest record, sinundan naman ito ng skills ng Team Payaman member na si Bok na umabot lang ng siyam na segundo.

Samantala si Carding naman ang tumalo kay Burong at Bok nang maitayo nito ang Gold Wing sa loob ng limang segundo.

Sinubukan naman ni Dudut na talunin ang record ngunit naitayo lang nito ang motorsiklo matapos ang 31 seconds.

Samantala, nabigo naman si Jude sa palaro ni Boss Keng dahil inabot ito ng 47 seconds, na agad ding nalampasan ni Adam Navea nang maitayo nito ang Gold Wing sa loob ng apat na segundo.

Hindi nagpahuli si TP Moto Club Vice Chairman Mentos matapos nitong mapatayo ang Gold Wing sa loob lang ng tatlong segundo.

And the winner is…

At syempre, hindi nagpatalo ang may-ari ng Gold Wing na si Cong TV na tumapos ng laban matapos maitayo ang kanyang motor sa loob lang ng dalawang segundo.

Pero tila may bumuwag din agad sa record ni Cong TV! Sino kaya ito?

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Team Payaman’s Vienna Iligan’s Sunsilk Endorsement

Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…

4 hours ago

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

1 day ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

1 day ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

This website uses cookies.