Cong TV Filmmaker Era? Netizens Applaud Cong’s Self-Produced ‘Maya’ Ad

Viral na naman ngayon sa social media ang pinakabagong vlog ni Cong TV kalakip ang ad commercial na ginawa nito para sa Maya Philippines.

Umani ng iba’t-ibang reaksyon at papuri ang nasabing vlog na agad ding tumabo ng 1.5 million views sa YouTube sa loob ng isang araw.

Cong Loves Maya

Bungad ng BANGIWAN vlog ni Cong TV ang isang kakaibang ad na inihanda nito para sa kanyang partner brand na Maya Philippines.

Sa una’y tila isang normal na vlog lang ang hatid ng 31-anyos na content creator, ngunit labis na namangha ang mga manonood nang mapagtanto na ang unang parte ng video ay isa palang ad commercial para sa Maya. 

Dito ibinida ng Team Payaman Moto Club ang mga benepisyo sa pagkakaroon ng Maya account gaya ng high interest rates, gamit pambayad kahit saan, personalized username sa card, at 10% per anum  interest rate daily.

Layunin ng nasabing ad commercial na maipakita na kayang solusyunan ng Maya ang mga suliranin ng mga Pilipino pagdating sa kani-kanilang financial needs.

Bukod sa acting ng TP Wild Dogs at malupit na editing, isa rin sa mga ikinatuwa ng netizens ang pakikiisa nina Pat Velasquez-Gaspar, Vien Iligan-Velasquez, at Viy Cortez sa nasabing commercial. 

Netizens’ Reaction

Patuloy ngayon na pinupuri ang kakaibang likha ni Cong TV para sa kanyang partner brand kasama ang iba pang Team Payaman member.

Clark Angelo Manansala: “Ang lupet nung pagkakagawa ng sponsorship video sa unang part. Kudos sa lahat ng effort ng mga editor, cameraman, at pati sa mga actors. Ganda rin ng flow ng story! Lupettt!!!”

Moja-Moja: “Iba talaga ang editing skills at storyline ng mga video mo bossing at eph. Team Payaman, the best talaga!”

Mae Tarnate: “Super astig tlga ng editor at cameraman ni sir boss cong .. pati ung mga actors.. d nakaksawa panuorin ang mga vlog!”

MACAZO, MELANIE CARMELA M.: “Made my day na talaga to, ingat always sa rides niyo kuya cong!”

Jeo MV: “iba talaga level ng creativity ng isang Cong TV. isa kayong insipirasyon sa lahat ng tropahan ito ang Squad Goals apir!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

8 hours ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

10 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

1 day ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

This website uses cookies.